Heto na ang final episode ng Stairway To Heaven…
Sa loob pa rin ng mini-clinic sa loob ng coaster (mini-bus) ni Cholo, kung saan nakahiga si Jodi sa kama…
Sinabi ni Jodi kay Cholo, “Alam mo Cholo, mabuti na lang, ikaw ang napangasawa ko”. Napaiyak si Cholo.
Cholo: Jodi?
Jodi: Ah…
Cholo: Simula pa nung bata tayo, gustong gusto na talaga kita. Para ka kasing anghel sa langit na nandito sa lupa. Ikaw Jodi, ba’t mo ako nagustuhan?
Napaiyak si Jodi.
Jodi: Puwede bang sikreto muna? Sa langit ko na lang sasagutin ang tanong na yan. Maghahanda ako ng isang stairway to heaven para sa iyo.
Cholo: O sige.
Nagyakapan sila at nag-iyakan. By this time, mahina na si Jodi.
Kinabukasan, binisita ni Jodi si Eunice sa kulungan. Maganda ang pagkakaayos ni Eunice at nakaladlad ang kanyang buhok.
Eunice: Masaya ka bang makita mo ako dito?
Jodi: Oo, pero hindi yon ang dahilan kung bakit ako nandito.
Eunice: Huwag mong sabihing nandito ka para patawarin ang mga kasalanan ko.
Jodi: Eunice, matalino ka at mas maganda ka kaysa sa akin. … Hindi pa huli ang lahat para magsimula ka uli.
Then naluluha na si Eunice.
Eunice: Bakit mo sinasabi yan? Wala ka bang nararamdamang galit?
Jodi: Wala naman akong mapapala pag di kita patatawarin eh. Gusto kong malaman mo na pinapatawad kita sa lahat.
Eunice: Huwag mong gawin yan.
Jodi: Yun ang tamang gawin.
Then, sa mahinang boses, sinabi ni Eunice: “Jodi, I’m sorry”. Napaiyak lalo si Eunice at biglang umalis. Napaiyak din si Jodi.
Dumalaw din si Jodi sa mental hospital kung nasaan nakakulong si Maita. Nagkaroon siya ng pagkakataon na makausap niya si Maita face-to-face.
Jodi: Si Tristan po, patay na. Namatay po siya para makakita ako. Binigay niya ang mga mata niya. Kaya ngayon, bilang pagtanaw ng utang na loob sa kanya, gusto kong malaman nyo na pinapatawad ko kayo. Tita, ang gusto ko, magpagaling na kayo.
Then hinawakan ni Jodi si Maita. Hindi nagsasalita si Maita, pero apparently naiintindihan niya ang sinabi ni Jodi.
Jodi: Sikapin nyo sanang maayos ang buhay nyo.
Napaluha si Maita. Hinawakan niya ang mga pisngi ni Jodi at tiningnan maigi ang mga mata ni Jodi. Na-recognize ni Maita ang kanyang anak sa mga mata ni Jodi. Napaiyak si Maita at naglakad nang mabagal paalis.
Later on sa bahay, nagprito ng isda ang alalay ni Cholo na si Mr. Jang. Nandoon si Jodi at pinapanood si Mr. Jang magprito. Hinaluan ni Mr. Jang ng wine ang pritong isda. Natuwa naman si Jodi at nagpasalamat. “Mr. Jang, kapag wala na po ako, tingnan mo si Cholo ha?”, sabi ni Jodi. “Makakaasa ka”, sabi ni Mr. Jang.
Dumating sa kusina si Cholo. “Jodi!”, sabi ni Cholo. “Cholo?”, sabi ni Jodi.