Nakahanap na ako ng bagong server na paglalagyan ko ng mga song files ko. Nilagay ko na rin yung ibang mga song ng Full House doon. Enjoy!
Hi guys! Nakapag-upload na ako ng ilang songs ng Full House OST, although sa ibang server ko nilagay. Later ko na ia-upload yung mga instrumentals ha?
Well, here goes…
Heto ang opening theme song ng Full House, na, sadly, hindi kasama sa Full House OST CD.
Chuh Eum Geu Ja Ri Eh by Lee Bo Ram
Heto naman ang slow version ng “Stabidam, stabididam, stabida-bida-bida-bididam,…” song.
Sha La La (Humming)
Heto naman ang senti song na pinanggalingan ng “Stabidam, stabididam, stabida-bida-bida-bididam,…” song.
Oon Myung by Why
Heto naman ang song kapag nasa “drama mode” or “romantic mode” sina Jessie or Justin.
I Think I by Byul
Lastly, hetong song naman ay kinanta ng pinakamagandang lalake sa mundo.
Fallin’ by Janno Gibbs
More Full House songs in the Audio and Video Page.
Wala pa akong song na “Stabidam, stabididam, stabida-bida-bida-bididam,…” mismo. Sino sa inyo ang meron? May I have that song? Paki-send na lang po sa e-mail address ko (click to view). Thanks in advance.
Enjoy!
Kinuha ni Jodi ang envelope na naglalaman ng sulat ni Tristan. Umupo siya sa kama at binuksan ang envelope para basahin ang sulat. Inagaw pansamantala ni Cholo ang sulat, pero kinuha rin ito ni Jodi at binasa nang malakas. Pero nalungkot si Cholo habang binabasa ito ni Jodi. Sinabi sa sulat na nasa France na si Tristan at pakakasal na raw siya sa kanyang “girlfriend”. Naiiyak si Jodi, at ganun din si Cholo. “Jodi…”, sabi ni Cholo. Then nagyakapan sina Cholo at Jodi.
Cholo: Ang gusto ko sana, maging masaya ka.
Jodi: Oo, kung yan ang gusto mo, gagawin ko para sa iyo.
Cholo: Tama yan, Jodi. Maging masaya ka lang.
Later on, naglakad sina Cholo at Jodi papunta sa office, kasama ng mga alalay ni Cholo. Naiilang si Jodi, pero inakbayan lang siya ni Cholo. Then nakita ni Jodi ang tatay ni Tristan. Ginawa na pala siyang security guard ni Cholo. Sinaluduhan ng tatay ni Tristan si Jodi. Kinumusta naman ni Jodi ang tatay. Then nagpasalamat si Jodi kay Cholo sa pagbigay niya ng trabaho sa tatay ni Tristan.
Sa loob naman ng office, gusto ni Sol, ang nanay ni Cholo, na magtayo sila ng isang nonprofit organization para mamahagi ng medical assistance sa mga less fortunate. Tinawag ito ni Cholo na “Tristan Foundation”.
Nung nagla-lunch na sila, medyo nahilo si Jodi. Nag-alala si Cholo, pero okay lang daw iyon sabi ni Jodi. Gusto na kasing kumain ni Jodi.
Pero sa comfort room, nahihilo pa rin si Jodi. Uminom siya ng gamot at tubig. Tumingin siya sa salamin, pero maya maya ay nasuka siya.
Dinala ni Cholo si Jodi sa hospital para ipa-CT scan. Later on, pinaliwanag ng doktor ang mga bagay na naobserbahan niya. Sinabi ng doktor na kumalat na sa utak ni Jodi ang cancer cells. Namutla si Cholo, at tinanong niya sa doktor kung ano ang dapat gawin. Sinabi ng doktor na hindi niya alam kung ano ang gagawin. Kahit operahan daw si Jodi ay hindi na raw siya gagaling pa. Napaluha si Cholo.