Oops, pasensya na po kung hindi kayo maka-download ng mga audio and video files ko ngayon, as well as some photos. Nag-exceed na kasi ang bandwidth quota ng server na kinalalagyan ng mga multimedia files ko eh. Hahanap muna ako ng ibang server na paglalagyan ko ng mga files ko, okay? Pasensya na po…
Heto na ang latest episode, yung episode yesterday April 6 Wednesday. Back to normal na…
Sumakay si Tristan sa kotse, dala dala ang scarf na niregalo sa kanya ni Jodi nung bata pa sila. Nilagay niya ito sa balikat at leeg, at hinalikan niya ang scarf. Naiiyak si Tristan. “Jodi, alam mo, dahil sa iyo, naging masaya ako. Nang dahil sa iyo natuto akong tumawa. Kung hindi dahil sa iyo, baka matagal na akong patay.” Then napaluha si Tristan. “Kaya ngayon, ibabalik ko na sa iyo (ang kabutihang ginawa mo), para naman maging masaya ka na rin”.
Pinaandar ni Tristan ang kotse. Gabi na nung mga oras na iyon. Habang nagmamaneho si Tristan, iyak pa rin siya nang iyak. Naalala niya ang mga kabataan nila ni Jodi. At this point, tumugtog na ang acoustic song na Cheongukui Ki-eok. Naalala niya ang first time na binigay ng batang si Jodi ang scarf sa kanya nung birthday niya. Naalala din niya ang time na pinayungan niya si Jodi sa school nung umuulan. Pati yung pagdadala niya ng “Jodi, I love you” slogan sa school, naalala din niya. Kasama na sa mga naalala niya yung time na nanalo siya sa painting contest at yung first time na sumakay sila ni Jodi sa carousel. Nangingiti at natatawa si Tristan sa mga alaala na yon.
Then later on, habang tumatakbo ang kotse, sinabi ni Tristan, “Jodi…”. Bigla siyang bumitaw sa manibela ng kotse. “…Mahal na mahal kita”, sabi niya. Pumikit si Tristan at tinakpan niya ng dalawang kamay ang mga mata niya habang tumatakbo ang kotse. And so…
Biglang nagising si Jodi mula sa pagkatulog sa bahay nila ni Cholo. “Tristan!!! Tristan!!! Tristan!!!”. Panay ang sigaw niya sa pangalan ni Tristan, as if naramdaman niyang may malagim na nangyari kay Tristan. Nagising din si Cholo at niyakap si Jodi. Then biglang nag-ring ang cellphone ni Cholo. Sinabi ng kausap ni Cholo na may nag-donate na raw ng mata niya para kay Jodi.
Meanwhile, may mga pulis at isang ambulance ang nagpunta sa scene ng isang accident. Nakita nila ang kotse ni Tristan na totally wrecked. Nakita nila si Tristan na duguan at wala nang buhay, apparently nag-crash ang ulo niya sa windshield na basag na ngayon, pero nakatakip pa rin ang dalawang kamay niya sa mga mata niya, apparently para ma-preserve niya ang sariling niyang mga mata. Inilabas ng mga pulis ang katawan ni Tristan at isinakay sa ambulance, then ni-rush nila siya sa hospital.