At last, nakakuha na rin ako ng mga mp3’s ng Full House theme songs! Thanks very much to karen for providing me the song files.
Pasensya na rin kayo ha, kung mabagal akong mag-update ng site ko ngayon. Pero di bale, babawi ako. Tomorrow, I will upload the Full House song files to my site. Just hang on!
Heto na ang latest recap ko, ang recap ng episode yesterday, April 5 Tuesday…
Earlier, biglang hinimatay si Jodi sa office habang nagkakantahan sila nina Cholo and the rest of the office staff…
Dinala ni Cholo si Jodi sa hospital. Sa hospital, nakahiga si Jodi sa bed sa isang room, natutulog. Nandoon din sina Cholo at ang isang doktor. Sinabi ng doktor na hindi raw niya alam ang dahilan ng pagkahinimatay ni Jodi. Wala raw silang nakitang mga cancer cells pero may posibilidad daw na bumalik ang cancer, sabi ng doktor. Hindi alam ng doktor at ni Cholo na nagising na pala si Jodi, kaya narinig tuloy niya ang mga pinag-uusapan. At this point, tumugtog na ang Namanui Neo.
Pagkaalis ng doktor, nag-request si Jodi kay Cholo na huwag siyang iwan sa kanyang bed. Kinumpirma ni Jodi kay Cholo kung wala na nga ba siyang cancer. Wala na raw, sabi ni Cholo. Then hiniling ni Cholo na pumasok sa office si Jodi. Reluctant si Jodi, pero nag-insist si Cholo dahil gusto niyang laging nakikita si Jodi.
The next day, isinama ni Cholo si Jodi sa office. Reluctant talaga si Jodi, dahil mas gusto niyang nasa bahay siya, pero wala na rin siyang nagawa dahil nasa office na siya.
Sinabi ni Jodi kay Cholo na nami-miss na niyang mag-design ng scarf. Then nagpanggap si Cholo na umalis na. Hinanap siya ni Jodi at sinubukan niyang kapain si Cholo, pero umiilag si Cholo. Nangiti naman si Cholo at nagpunta sa likuran ni Jodi. Biglang niyakap ni Cholo si Jodi.