Pahabol ko sa April 4 Monday episode…
Nagpunta sina Tristan at ang tatay niya sa police station.
Meanwhile, dumating na sa bahay ang tatay ni Jodi. Tawa naman ng tawa si Maita na parang nababaliw. Then kinausap niya ang tatay ni Jodi. “Bakit di mo pinigilan ang kasal??? Nakalimutan mo na bang may anak ka pa?? …”
“Tama ka, matagal na akong nagpakatanga. Pinabayaan ko ang kaisa-isang anak….”, sabi ng tatay ni Jodi.
Later on, dumating din si Tristan sa bahay. Pinagbuntuan naman siya ng galit ni Maita at sabay sinabunutan si Tristan sa panggigigil. Pero kasama pala ni Tristan ang mga pulis. Nagpunta sila sa bahay para imbestigahan daw si Eunice. Nagmaang-maangan si Maita, pero nakipag-cooperate naman ang tatay ni Jodi sa kanila. Tinuro ng tatay ang kotse, dahil may mga marka daw ito ng dugo ni Jodi. Ito raw ay puwedeng gamiting ebidensya.
Hinahanap ng mga pulis si Eunice sa bahay, pero sinabi ni Maita na wala raw siya, at ngayon daw siya ikakasal. Unfortunately, bigla na lang bumaba ng hagdan si Eunice, kaya nakita tuloy siya ng mga pulis at inaresto. Pinipigilan ni Maita ang pag-aresto kay Eunice, dahil ikakasal daw siya sa anak ng may-ari ng Global Group of Companies. Wala raw pakialam dito ang mga pulis. Nagpumilit si Maita na ipagtanggol si Eunice, pero parang gusto na ring sumuko ni Eunice at pinabayaan siyang hulihin ng mga pulis.
Sinisi ni Maita sina Tristan at ang kanyang tatay sa pagkakahuli ng mga pulis kay Eunice. Sa galit ay nagbanta si Maita na papatayin niya sila.
(My recap of the April 1 Friday episode. Hahabol lang…)
Earlier, pinapasukat ni Tristan kay Jodi ang wedding gown na bigay ni Cholo, although reluctant siyang gawin yon. Nakiusap kasi si Tristan na sandali lang niya yon susuotin tapos tatanggalin din. After that, lumabas na sila sa hospital.
Yun pala, lingid sa kaalaman ni Jodi, pupunta na pala sila sa kasalan.
Sa isang hall kung saan magaganap ang kasalan, nag-speech si Cholo sa kanyang mga audience. Pakakasalan daw niya si Jodi. Wala raw kahit sinong tao ang dapat humadlang. Then sinabi ni Cholo na kasalukuyang bulag at may cancer sa mata si Jodi. Alam daw ni Cholo na marami sa kanyang audience ang hindi naiintindihan kung bakit si Jodi ang pakakasalan niya, pero hindi raw niya pababayaang mahadlangan ang kanilang kasal. Hindi raw niya pakakasalan si Jodi dahil sa awa, porke nabubulag na siya. Even if hindi pa siya nabulag, pakakasalan pa rin daw niya si Jodi.
Meanwhile, nakarating na sina Tristan at Jodi sa loob ng hall. Nakasalubong nila ang tatay ni Tristan. Nagtanong si Jodi kung nasaang lugar na sila. Sinabi ng tatay ni Tristan na nasa isang espesyal na lugar daw sila. Then nagbigay ng bulakak ang tatay ni Tristan kay Jodi, at hinatid si Jodi papunta kay Cholo. Hinawakan ni Jodi ang kamay ni Cholo at nakilala niya siya. “Cholo, ikaw ba yan?”, sabi ni Jodi. “Jodi, will you marry me?”, sabi ni Cholo. Gustong bumitaw ni Jodi, pero hindi pinayagan ni Cholo. “Di ba sabi ko sa iyo, kahit anong mangyari, pakakasalan kita?”
“Pakakasalan kita”, sabi ni Cholo. Naluha si Jodi.
Pero bigla na lang pumasok sa eksena sina Maita at Eunice, then nanggulo si Maita. “Isa itong malaking kalokohan!!! Hoy Cholo! Hindi ako papayag sa kalokohan mo!!”. Then bigla niyang tinulak at tinumba ang mesa sa harapan niya. Na-iskandalo ang mga ibang tao sa hall. “Hindi kami papayag (ni Eunice) na maging tanga! … Walang kasalan!!”, sabi ni Maita.
Dumating si Tristan. Natakot sina Maita at Eunice.