Nasa bahay na naman pareho sina Tristan at Cholo. Nag-aagawan sila sa pagluto ng spaghetti, dahil pareho silang nagpapa-impress kay Jodi at parehong pinagmamayabang ang kanilang “cooking skills”. Nagtaka tuloy si Jodi kung bakit sila nag-aagawan.
In the end, nagkasundo sina Cholo at Tristan at nagtulungan sa pagluto.
Sa mesa, nag-alinlangan si Jodi kung ramen noodles nga ba ang kinakain niya o spaghetti. Napasama kasi ang luto nina Cholo at Tristan. Pero nasarapan pa rin daw si Jodi. Sabi ni Cholo na siya daw ang nagluto, pero humirit si Tristan na siya daw talaga ang nagluto at naglagay ng mga ingredients. Then nag-away na naman sina Cholo at Tristan dahil kapuwa sila nagpapa-impress kay Jodi.
Habang kumakain sila, binalita ni Cholo na may pag-asa pa raw makakita si Jodi. Puwede raw masolusyonan ang cancer through therapy. Pero nagduda si Jodi dito, at kung sakaling hindi raw ito masosolusyonan, di pa rin papayag si Jodi na magpatanggal ng mata at tuluyang mabulag. Then paasar na tinanong ni Cholo kay Jodi kung wala ba siyang tiwala sa kanila. Pinagtulungan si Jodi nina Cholo at Tristan.
Sa kuwarto, nilapitan ni Tristan si Jodi at hinawakan sa balikat. Nahulaan ni Jodi na si Tristan nga ang nasa likuran niya. Sabi ni Jodi na ok lang din daw ang maging bulag, yun nga lang ay marami din siyang mami-miss, kaya gusto na raw niyang makakita uli. Pinuri ni Tristan si Jodi sa kanyang desire na makakita uli. “Tama yan”, sabi ni Tristan. Then niyaya ni Tristan si Jodi na mamasyal.
Sa labas ng building, nakaabang si Cholo. Ipinasa ni Tristan si Jodi kay Cholo. Nahulaan ni Jodi na si Cholo na ang kasama niya, pero too late na para tumanggi si Jodi dahil hinila na siya ni Cholo para makasakay sa kanyang coaster (”mini-bus”).
Haay…di ko na naman napanood ang episode na ito (the March 30 episode). Masyado nang late ako nakauwi eh. Buti na lang napanood ng kapatid ko. Here goes…
Continuing from the coffee shop scene, nagpanggap na dumating si Cholo sa coffee shop at umupo opposite Jodi. Nagpanggap si Jodi na hindi pa rin siya bulag, at binati niya si Cholo. Pinuri ni Jodi si Cholo at sinabi na ang guwapo daw niya. Di pa rin alam ni Jodi na kanina pa siya pinapanood ni Cholo, di lang niya alam, kaya umiyak na naman si Cholo. Hinawakan ni Cholo ang kamay ni Jodi at napayuko, sabay iyak.
Pinauuwi na ni Cholo si Jodi, pero tumanggi si Jodi dahil masaya na raw siya sa piling ni Tristan. Then si Cholo naman ang pinauwi ni Jodi. Nagpanggap si Cholo na umalis na sa coffee shop, pero nag-stay lang pala si Cholo labas, iyak ng iyak.
Then nagsuot na naman uli si Cholo ng leather jacket at nagpanggap na si Tristan. Pumasok uli siya sa coffee shop at hinatid si Jodi papunta sa bahay niya sa beach. Akala uli ni Jodi na si Tristan ang kasama niya. “Ano, Tristan? Magaling ba akong umarte? Di ba halatang bulag ako?”