Hi uli guys. Malungkot ako ngayon, kasi mauubos na ang alloted bandwidth ng site kong ito. In just a matter of days, magda-down na ang site ko.
But don’t worry, may isa pa akong alternate site. It’s in perryv.blogspot.com. Kaya habang hindi pa nagda-down ang site ko, ina-announce ko na ito, para pag nag-down na ang site ko ay alam nyo na kung saan site nyo ako pupuntahan.
Pasensya na ha kung dumadaan ako sa isang bandwidth crisis ngayon. Thank you very much for all your support.
Di bale, pag nag-down itong site kong ito, magkikita-kits pa naman tayo sa alternate site ko eh.
Hello sa inyo! Ishe-share ko sa inyo ang interesting article na ito. Nakuha ko ito sa antimoon.com site.
Here goes…
========
English Mecca in the South China Sea
Koreans are flocking to the Philippines for their first steps at learning English and living abroad.
The Philippines is in the heart of Southeast Asia and English is its second language. For Koreans it is one of the best countries to study English, especially for the beginners. They consider this country as a first step to learn and use English, as well as building the confidence they need before going to Canada, New Zealand, Australia or Ireland.
“We study first in the Philippines, and then we either go to Canada or New Zealand or any other country where English is the mother tongue,” said Park Jong Wok, 27, from the Korean city of Busan. “In my case, I went to Canada after studying in the Philippines for six months because I wanted to use what I learned.”
Park had several one-on-one classes at a language institute in Quezon City, on the outskirts of Manila. “It helped me to speak a lot and gave me a lot of confidence to speak English,” he said.
For several years now, language institutes have been mushrooming in many places in the Philippines, even the countryside. For Koreans, having a one-on-one class is the best way to study English. A vast number of these English institutes are widely recognized within the industry to be owned by Koreans. They operate their businesses by setting up “dummy” companies with a Filipino “paper owner.”
In a one-on-one class, the student spends an hour with his or her teacher using a conversational type of book. It’s “a no-holds-barred” type of class. The student and teacher can talk about any thing under the sun. Moreover, the student can have as many such classes as he or she wants, and add another kind of class.
For example, at CNNS (Communicate Near Native Speakers) English Language Institute, a student can have at least two one-on-one classes and he or she can also register for a group class, discussion class or listening class and a screening class for a higher level.
According to the Philippines Department of Tourism, 93.5 percent of Filipinos can speak English well. English is used as a medium of instruction in schools and universities and is widely spoken in business transactions and casual conversations.
“Korean students choose the Philippines because it’s near Korea and cheap. Aside from that, I think this is the only place that offers a one-on-one type of class,” explained Nita Tallod, a former academic supervisor at one institute in the Philippines, who now works in Osan, Korea.
She told OhmyNews that most of the students have very little background in English when they first arrive in the Philippines.
“They will study the basics for several months and once they have learned those, they want to challenge their ability in English in the real environment where people speak English,” she said.
Lee Jae Kyu, 27, who studied English in the Philippines for six months said, “I’m not afraid of foreigners any more, in fact for us Koreans, it’s hard to overcome this fear.” He added that once such fears are overcome, the learner is ready to go on to the next step. He said studying in the Philippines helped him a lot.
“I can recommend the Philippines to students to study English,” Lee said. “I like the way they teach us, especially the one-on-one classes. In our class we can have the whole time to speak English and no one can interrupt us,” he added.
Hello guys!
Pasensya na kayo kung madalas mag-down ang Audio and Video Page ko ha?
Anyway, bilang pampalubag-loob sa inyo, mamimigay ako ng Gmail accounts sa inyo.
Have you heard of Gmail? Most likely, meron na kayong Yahoo mail, Lycos mail, etc. Usually, nag-o-offer lang sila ng maliit na mail space, like 4 MB or 6 MB, minsan meron pang 25 MB, although sa case ng Yahoo, nag-o-offer naman siya ng 250 MB of mail space.
Enter Gmail. Alam nyo ba na nag-o-offer ang Gmail ngayon ng over 2 GB (2048 MB) of mail space?!?! Kung mahilig kayong magpa-e-mail ng pictures, MP3 or video files, then this mail account is for you. Plus, nag-o-offer din siya ng free POP3/SMTP access!! Meaning, if you like, you can set up your Outlook or Eudora or any other e-mail client, para yung e-mail client na ang bahalang mag-fetch ng messages nyo from the Gmail server, at may luxury pa kayong mag-send ng Gmail e-mail using your favorite e-mail client! All of these features for free!!
Unfortunately, kung gusto mong magkaroon ng Gmail account, hindi ka puwedeng mag-signup tulad ng ginagawa mo sa Yahoo or Lycos kapag wala ka pang account. You must get invited by a person who already owns a Gmail account. Like me for instance, may Gmail account na ako. So I have the power to invite people to sign up their own Gmail account.
Meron akong 50 slots available para sa Gmail account. So kung gusto nyong magkaroon ng Gmail account, simply send me e-mail with the following format and conditions:
1. Sa Subject: field ng e-mail nyo, ilagay nyo ang subject na ito (see below):
Please give me Gmail
2: Sa message nyo naman, ilagay nyo ang correct answers sa mga questions na ito:
a) Sinong artista ang gumanap na pekeng asawa (asawa sa kontrata) ni Justin sa drama series na “Full House”?
b) Sino ang kumanta ng “Langit ka, lupa ako…” song ng drama series na “Stairway to Heaven”?
c) Ano ang pangalan at apelyido ng may-ari ng site na ito?
3: Your optional message.
Heto ang sample e-mail:

No coaching ha? Gusto ko lang makasigurado na kakilala ko yung pagbibigyan ko ng Gmail account, either nakilala ko siya sa mga forums, or naging visitor ng blog ko.
Kapag na-meet nyo ang above conditions, then bibigyan ko kayo ng Gmail account.
Good luck!
Hi uli! Bad news. Mauubos na naman ang bandwidth quota ng mga song files ko. At the time I posted this message, available pa ang mga song files ko. Pero it’s only a matter of hours (or minutes) bago mag-down ang server ng mga files ko.
.
Hahanap uli ako ng bagong server. (Hmmm…nakaka-ilan palit na ba ako ng server?) Pasensya na po.
Whew! Buti na lang, nakakita na ako uli ng bagong server. Nai-transfer ko na ang ibang files ko doon, so you may now download my files in the Audio and Video Page.
Kaya lang, di ko pa tina-transfer lahat ha? Yung Full House song files muna ang available sa ngayon. I’ll transfer the other files much later, to save bandwidth.
Pasensya na po uli.
Waah! Inaccessible na naman ang mga song files ko. Nag-exceed na naman ang bandwidth quota ko because of frequent downloads.
But in a way, I’m happy because ibig sabihin lang nun, popular ang mga song files ko (which, by the way, are primarily contributed by karen. Thank you very much, karen!). Mukhang kailangan ko na namang maghanap ng bagong server na paglalagyan ng mga files.
Pasensya na ha?
Ishe-share ko naman sa inyo ang isang activity na involved ako recently. Kasama ko rito ang aking wacky but photogenic officemate and friend na si Brian, who owns the funny but interesting Dilemmas blog.
Heto ang isang picture namin ni Brian, with me wearing blue shirt:
Magkakampi kami ni Brian sa darts, pero magkalaban kami sa chess. Sa darts, bopols ako tumira ng darts, pero asintado ang mga tira ni Brian, maraming beses pa nga siya naka-bullseye eh. Nanalo ang team namin ni Brian because of his sheer talent in darts. Sa chess naman, gumamit kami ng chessboard na may translucent, pastel-colored chessmen. Hirap kami ni Brian mag-chess dahil parang masakit sa mata ang mga chessmen namin (or baka hindi lang kami sanay sa ganung chessmen). Hahaha, nag-attempt pa nga si Brian na gamitin ang kanyang computer chess game sa cellphone niya para may mag-coach sa kanya sa chess eh!
Hehehe…pero siyempre biro lang yun. Eventually, ako ang nanalo sa chess.
Last time, nag-upload ako ng test versions ng WAV files ko. Today, nag-upload na ako ng release versions. Each WAV tone comes in two sizes - small and large. Small WAV tones are less than 1 MB in size, pero usually bitin ang tones nito. Mas kumpleto ang large tones, but unfortunately they are over 1 MB in size (over 2 MB to be precise), kaya malakas silang gumastos ng storage space ng cellphones nyo. It’s up to you to decide which size you want to download.
My WAV tones are available in the Audio and Video Page. Mag-a-upload pa ako ng ibang tones. Enjoy!
In-announce kanina sa GMA 7 nung nag-commercial break ang SOP, pagkatapos daw ng Darna ay susundan ito ng All About Eve, and then pagkatapos nito ay Full House na! Meaning, ang slot na in-occupy dati ng Stairway To Heaven ay io-occupy na ng Full House!
Ibig sabihin lang nun, lagi lagi ko na siyang mapapanood araw araw, dahil late kasi ng gabi ako umuuwi eh. Therefore, makakagawa na ako ng recaps ng Full House!
Hello uli! Pinakinggan ko maigi yung song na Title Shuffle, then sinulat ko yung lyrics niya.
Heto na ang lyrics. Enjoy!
======
Title Shuffle
(Piano Intro)
(Stanza)
Stambiram, stabiridam,
Starida-bida-bida-bididam,
Staridam, stabiridam,
Starida-dam-dam
Stambiram, stabiridam,
Starida-bida-bida-bididam,
Stariran, stabiridam,
Dabirida-bida-dam-dam
(Chorus)
Yes-bi-dam, dariri-rida-dam-dam,
Ipisdam, dariri-rida-dam-dam,
Stariram, starida-rida-dam-da-da,
Starida-dam-dam
Yes-bi-dam, dariri-rida-dam-dam,
Ipisdam, dariri-rida-dam-dam,
Stariram, staririda-rida-ridadam
Sta-dam-dam.
======
Hi uli guys!
Meron na naman akong bagong addition to my Full House songs.
At last, nakita ko rin yung “Stabidam, stabididam” song na yan! It’s title is Title Shuffle. Nakuha ko yung song in ASF format, pero in-extract ko yung raw audio and converted it to MP3.
Besides Title Shuffle, nakakuha rin ako ng dalawang songs na kakantahin nina Justin and Jessie sa karaoke in the final episode. They are Da Jool Gguh Ya (Acoustic version) and Doc Wa Choom Eul. Hindi ko nga lang alam kung yan din ang songs na ipaparinig sa atin sa Tagalog dub natin ng Full House. Naka-WMA format naman sila originally nung na-download ko sila, but again I extracted the raw audio and converted them into MP3.
Anyway, nasa Audio and Video Page din ang mga songs na ito. Enjoy!
Heto na ang final episode ng Stairway To Heaven…
Sa loob pa rin ng mini-clinic sa loob ng coaster (mini-bus) ni Cholo, kung saan nakahiga si Jodi sa kama…
Sinabi ni Jodi kay Cholo, “Alam mo Cholo, mabuti na lang, ikaw ang napangasawa ko”. Napaiyak si Cholo.
Cholo: Jodi?
Jodi: Ah…
Cholo: Simula pa nung bata tayo, gustong gusto na talaga kita. Para ka kasing anghel sa langit na nandito sa lupa. Ikaw Jodi, ba’t mo ako nagustuhan?
Napaiyak si Jodi.
Jodi: Puwede bang sikreto muna? Sa langit ko na lang sasagutin ang tanong na yan. Maghahanda ako ng isang stairway to heaven para sa iyo.
Cholo: O sige.
Nagyakapan sila at nag-iyakan. By this time, mahina na si Jodi.
Kinabukasan, binisita ni Jodi si Eunice sa kulungan. Maganda ang pagkakaayos ni Eunice at nakaladlad ang kanyang buhok.
Eunice: Masaya ka bang makita mo ako dito?
Jodi: Oo, pero hindi yon ang dahilan kung bakit ako nandito.
Eunice: Huwag mong sabihing nandito ka para patawarin ang mga kasalanan ko.
Jodi: Eunice, matalino ka at mas maganda ka kaysa sa akin. … Hindi pa huli ang lahat para magsimula ka uli.
Then naluluha na si Eunice.
Eunice: Bakit mo sinasabi yan? Wala ka bang nararamdamang galit?
Jodi: Wala naman akong mapapala pag di kita patatawarin eh. Gusto kong malaman mo na pinapatawad kita sa lahat.
Eunice: Huwag mong gawin yan.
Jodi: Yun ang tamang gawin.
Then, sa mahinang boses, sinabi ni Eunice: “Jodi, I’m sorry”. Napaiyak lalo si Eunice at biglang umalis. Napaiyak din si Jodi.
Dumalaw din si Jodi sa mental hospital kung nasaan nakakulong si Maita. Nagkaroon siya ng pagkakataon na makausap niya si Maita face-to-face.
Jodi: Si Tristan po, patay na. Namatay po siya para makakita ako. Binigay niya ang mga mata niya. Kaya ngayon, bilang pagtanaw ng utang na loob sa kanya, gusto kong malaman nyo na pinapatawad ko kayo. Tita, ang gusto ko, magpagaling na kayo.
Then hinawakan ni Jodi si Maita. Hindi nagsasalita si Maita, pero apparently naiintindihan niya ang sinabi ni Jodi.
Jodi: Sikapin nyo sanang maayos ang buhay nyo.
Napaluha si Maita. Hinawakan niya ang mga pisngi ni Jodi at tiningnan maigi ang mga mata ni Jodi. Na-recognize ni Maita ang kanyang anak sa mga mata ni Jodi. Napaiyak si Maita at naglakad nang mabagal paalis.
Later on sa bahay, nagprito ng isda ang alalay ni Cholo na si Mr. Jang. Nandoon si Jodi at pinapanood si Mr. Jang magprito. Hinaluan ni Mr. Jang ng wine ang pritong isda. Natuwa naman si Jodi at nagpasalamat. “Mr. Jang, kapag wala na po ako, tingnan mo si Cholo ha?”, sabi ni Jodi. “Makakaasa ka”, sabi ni Mr. Jang.
Dumating sa kusina si Cholo. “Jodi!”, sabi ni Cholo. “Cholo?”, sabi ni Jodi.
Nakahanap na ako ng bagong server na paglalagyan ko ng mga song files ko. Nilagay ko na rin yung ibang mga song ng Full House doon. Enjoy!
Hi guys! Nakapag-upload na ako ng ilang songs ng Full House OST, although sa ibang server ko nilagay. Later ko na ia-upload yung mga instrumentals ha?
Well, here goes…
Heto ang opening theme song ng Full House, na, sadly, hindi kasama sa Full House OST CD.
Chuh Eum Geu Ja Ri Eh by Lee Bo Ram
Heto naman ang slow version ng “Stabidam, stabididam, stabida-bida-bida-bididam,…” song.
Sha La La (Humming)
Heto naman ang senti song na pinanggalingan ng “Stabidam, stabididam, stabida-bida-bida-bididam,…” song.
Oon Myung by Why
Heto naman ang song kapag nasa “drama mode” or “romantic mode” sina Jessie or Justin.
I Think I by Byul
Lastly, hetong song naman ay kinanta ng pinakamagandang lalake sa mundo.
Fallin’ by Janno Gibbs
More Full House songs in the Audio and Video Page.
Wala pa akong song na “Stabidam, stabididam, stabida-bida-bida-bididam,…” mismo. Sino sa inyo ang meron? May I have that song? Paki-send na lang po sa e-mail address ko (click to view). Thanks in advance.
Enjoy!
Kinuha ni Jodi ang envelope na naglalaman ng sulat ni Tristan. Umupo siya sa kama at binuksan ang envelope para basahin ang sulat. Inagaw pansamantala ni Cholo ang sulat, pero kinuha rin ito ni Jodi at binasa nang malakas. Pero nalungkot si Cholo habang binabasa ito ni Jodi. Sinabi sa sulat na nasa France na si Tristan at pakakasal na raw siya sa kanyang “girlfriend”. Naiiyak si Jodi, at ganun din si Cholo. “Jodi…”, sabi ni Cholo. Then nagyakapan sina Cholo at Jodi.
Cholo: Ang gusto ko sana, maging masaya ka.
Jodi: Oo, kung yan ang gusto mo, gagawin ko para sa iyo.
Cholo: Tama yan, Jodi. Maging masaya ka lang.
Later on, naglakad sina Cholo at Jodi papunta sa office, kasama ng mga alalay ni Cholo. Naiilang si Jodi, pero inakbayan lang siya ni Cholo. Then nakita ni Jodi ang tatay ni Tristan. Ginawa na pala siyang security guard ni Cholo. Sinaluduhan ng tatay ni Tristan si Jodi. Kinumusta naman ni Jodi ang tatay. Then nagpasalamat si Jodi kay Cholo sa pagbigay niya ng trabaho sa tatay ni Tristan.
Sa loob naman ng office, gusto ni Sol, ang nanay ni Cholo, na magtayo sila ng isang nonprofit organization para mamahagi ng medical assistance sa mga less fortunate. Tinawag ito ni Cholo na “Tristan Foundation”.
Nung nagla-lunch na sila, medyo nahilo si Jodi. Nag-alala si Cholo, pero okay lang daw iyon sabi ni Jodi. Gusto na kasing kumain ni Jodi.
Pero sa comfort room, nahihilo pa rin si Jodi. Uminom siya ng gamot at tubig. Tumingin siya sa salamin, pero maya maya ay nasuka siya.
Dinala ni Cholo si Jodi sa hospital para ipa-CT scan. Later on, pinaliwanag ng doktor ang mga bagay na naobserbahan niya. Sinabi ng doktor na kumalat na sa utak ni Jodi ang cancer cells. Namutla si Cholo, at tinanong niya sa doktor kung ano ang dapat gawin. Sinabi ng doktor na hindi niya alam kung ano ang gagawin. Kahit operahan daw si Jodi ay hindi na raw siya gagaling pa. Napaluha si Cholo.
Oops, pasensya na po kung hindi kayo maka-download ng mga audio and video files ko ngayon, as well as some photos. Nag-exceed na kasi ang bandwidth quota ng server na kinalalagyan ng mga multimedia files ko eh. Hahanap muna ako ng ibang server na paglalagyan ko ng mga files ko, okay? Pasensya na po…
Heto na ang latest episode, yung episode yesterday April 6 Wednesday. Back to normal na…
Sumakay si Tristan sa kotse, dala dala ang scarf na niregalo sa kanya ni Jodi nung bata pa sila. Nilagay niya ito sa balikat at leeg, at hinalikan niya ang scarf. Naiiyak si Tristan. “Jodi, alam mo, dahil sa iyo, naging masaya ako. Nang dahil sa iyo natuto akong tumawa. Kung hindi dahil sa iyo, baka matagal na akong patay.” Then napaluha si Tristan. “Kaya ngayon, ibabalik ko na sa iyo (ang kabutihang ginawa mo), para naman maging masaya ka na rin”.
Pinaandar ni Tristan ang kotse. Gabi na nung mga oras na iyon. Habang nagmamaneho si Tristan, iyak pa rin siya nang iyak. Naalala niya ang mga kabataan nila ni Jodi. At this point, tumugtog na ang acoustic song na Cheongukui Ki-eok. Naalala niya ang first time na binigay ng batang si Jodi ang scarf sa kanya nung birthday niya. Naalala din niya ang time na pinayungan niya si Jodi sa school nung umuulan. Pati yung pagdadala niya ng “Jodi, I love you” slogan sa school, naalala din niya. Kasama na sa mga naalala niya yung time na nanalo siya sa painting contest at yung first time na sumakay sila ni Jodi sa carousel. Nangingiti at natatawa si Tristan sa mga alaala na yon.
Then later on, habang tumatakbo ang kotse, sinabi ni Tristan, “Jodi…”. Bigla siyang bumitaw sa manibela ng kotse. “…Mahal na mahal kita”, sabi niya. Pumikit si Tristan at tinakpan niya ng dalawang kamay ang mga mata niya habang tumatakbo ang kotse. And so…
Biglang nagising si Jodi mula sa pagkatulog sa bahay nila ni Cholo. “Tristan!!! Tristan!!! Tristan!!!”. Panay ang sigaw niya sa pangalan ni Tristan, as if naramdaman niyang may malagim na nangyari kay Tristan. Nagising din si Cholo at niyakap si Jodi. Then biglang nag-ring ang cellphone ni Cholo. Sinabi ng kausap ni Cholo na may nag-donate na raw ng mata niya para kay Jodi.
Meanwhile, may mga pulis at isang ambulance ang nagpunta sa scene ng isang accident. Nakita nila ang kotse ni Tristan na totally wrecked. Nakita nila si Tristan na duguan at wala nang buhay, apparently nag-crash ang ulo niya sa windshield na basag na ngayon, pero nakatakip pa rin ang dalawang kamay niya sa mga mata niya, apparently para ma-preserve niya ang sariling niyang mga mata. Inilabas ng mga pulis ang katawan ni Tristan at isinakay sa ambulance, then ni-rush nila siya sa hospital.
At last, nakakuha na rin ako ng mga mp3’s ng Full House theme songs! Thanks very much to karen for providing me the song files.
Pasensya na rin kayo ha, kung mabagal akong mag-update ng site ko ngayon. Pero di bale, babawi ako. Tomorrow, I will upload the Full House song files to my site. Just hang on!
Heto na ang latest recap ko, ang recap ng episode yesterday, April 5 Tuesday…
Earlier, biglang hinimatay si Jodi sa office habang nagkakantahan sila nina Cholo and the rest of the office staff…
Dinala ni Cholo si Jodi sa hospital. Sa hospital, nakahiga si Jodi sa bed sa isang room, natutulog. Nandoon din sina Cholo at ang isang doktor. Sinabi ng doktor na hindi raw niya alam ang dahilan ng pagkahinimatay ni Jodi. Wala raw silang nakitang mga cancer cells pero may posibilidad daw na bumalik ang cancer, sabi ng doktor. Hindi alam ng doktor at ni Cholo na nagising na pala si Jodi, kaya narinig tuloy niya ang mga pinag-uusapan. At this point, tumugtog na ang Namanui Neo.
Pagkaalis ng doktor, nag-request si Jodi kay Cholo na huwag siyang iwan sa kanyang bed. Kinumpirma ni Jodi kay Cholo kung wala na nga ba siyang cancer. Wala na raw, sabi ni Cholo. Then hiniling ni Cholo na pumasok sa office si Jodi. Reluctant si Jodi, pero nag-insist si Cholo dahil gusto niyang laging nakikita si Jodi.
The next day, isinama ni Cholo si Jodi sa office. Reluctant talaga si Jodi, dahil mas gusto niyang nasa bahay siya, pero wala na rin siyang nagawa dahil nasa office na siya.
Sinabi ni Jodi kay Cholo na nami-miss na niyang mag-design ng scarf. Then nagpanggap si Cholo na umalis na. Hinanap siya ni Jodi at sinubukan niyang kapain si Cholo, pero umiilag si Cholo. Nangiti naman si Cholo at nagpunta sa likuran ni Jodi. Biglang niyakap ni Cholo si Jodi.
Pahabol ko sa April 4 Monday episode…
Nagpunta sina Tristan at ang tatay niya sa police station.
Meanwhile, dumating na sa bahay ang tatay ni Jodi. Tawa naman ng tawa si Maita na parang nababaliw. Then kinausap niya ang tatay ni Jodi. “Bakit di mo pinigilan ang kasal??? Nakalimutan mo na bang may anak ka pa?? …”
“Tama ka, matagal na akong nagpakatanga. Pinabayaan ko ang kaisa-isang anak….”, sabi ng tatay ni Jodi.
Later on, dumating din si Tristan sa bahay. Pinagbuntuan naman siya ng galit ni Maita at sabay sinabunutan si Tristan sa panggigigil. Pero kasama pala ni Tristan ang mga pulis. Nagpunta sila sa bahay para imbestigahan daw si Eunice. Nagmaang-maangan si Maita, pero nakipag-cooperate naman ang tatay ni Jodi sa kanila. Tinuro ng tatay ang kotse, dahil may mga marka daw ito ng dugo ni Jodi. Ito raw ay puwedeng gamiting ebidensya.
Hinahanap ng mga pulis si Eunice sa bahay, pero sinabi ni Maita na wala raw siya, at ngayon daw siya ikakasal. Unfortunately, bigla na lang bumaba ng hagdan si Eunice, kaya nakita tuloy siya ng mga pulis at inaresto. Pinipigilan ni Maita ang pag-aresto kay Eunice, dahil ikakasal daw siya sa anak ng may-ari ng Global Group of Companies. Wala raw pakialam dito ang mga pulis. Nagpumilit si Maita na ipagtanggol si Eunice, pero parang gusto na ring sumuko ni Eunice at pinabayaan siyang hulihin ng mga pulis.
Sinisi ni Maita sina Tristan at ang kanyang tatay sa pagkakahuli ng mga pulis kay Eunice. Sa galit ay nagbanta si Maita na papatayin niya sila.