Earlier, hindi na naabutan ni Cholo sina Tristan at Jodi dahil nakasakay na sila sa taxi.
Later on, nakita ni Jodi na nagpe-paint si Tristan. Tiningnan ni Jodi kung ano ang pine-paint niya, pero ayaw ipakita ni Tristan. Mukha raw ni Jodi ang pine-paint niya. Nagtaka naman si Jodi dahil halos hindi nagpapahinga si Tristan sa kanyang pagpe-paint. Hindi kasi alam ni Jodi na ibebenta ni Tristan ang painting for 30 million won.
Nabanggit ni Jodi na tanggap na niya ang posibilidad na mamamatay na siya pagdating ng araw. Nagalit si Tristan sa sinabi ni Jodi. “Huwag mong sabihin yan! Huwag kang mag-isip ng ganyan! Hindi mangyayari yan!”, ang sabi ni Tristan na may halong pag-aaalala. Pero mukhang mahinahon si Jodi sa kanyang mga nasabi, as if nag-concede na si Jodi na mamamatay na nga siya. Naiyak si Tristan dahil dito.
Sa labas ng bahay, nagtaka si Jodi dahil parang nagdidilim na ang paligid. Tinanong niya kay Tristan kung madilim nga ba ang panahon. “Oo”, sabi ni Tristan, kahit na alam niyang tanghaling tapat ang oras. Apparently, ayaw ni Tristan na mag-alala pa lalo si Jodi sa kondisyon ng mga nagdidilim na mata niya.
Maya maya, nagkita si Tristan at ang kanyang buyer sa isang subway. Dala ni Tristan ang kanyang painting, samantalang dala naman ng kanyang buyer ang suitcase na may lamang pera. Nagpalit silang dala ng mga dalahin. Binuksan ni Tristan ang suitcase at nakita nga niya ang limpak-limpak na pera sa loob.
Pero lingid sa kaalaman ni Tristan, isa pala itong setup ni Maita. So nagulat na lang si Tristan nang biglang nagsidatingan ang mga pulis. Inaresto ng mga pulis ang buyer. Hinabol naman nila si Tristan, habang nagmamadaling tumakas si Tristan dala ang suitcase.
Hi guys! Sorry kung di ko pa napo-post yung recap ko for yesterday’s episode ha? Busy lang ako dito sa office. Pero mamayang hapon, ipo-post ko na.
Nakakaiyak yung episode kahapon. Yung nanay ko, umiiyak na habang nanonood!
…