Di pa rin sumasagot si Jodi sa cellphone ni Cholo.
“Jodi, Jodi, magsalita ka! Bakit? Jodi! JODI!!! Jodi! Nasaan ka? Sumagot ka, JODI!!!”, sigaw ni Cholo sa kanyang cellphone.
Meanwhile, si Jodi ay nasa phone booth pa rin, ayaw sagutin si Cholo, umiiyak.
Later in the house, bumaba si Tristan ng hagdan nang naka-blindfold. Nangangapa si Tristan habang bumababa ng hagdan. Nung malapit na siya sa hagdan, natalisod siya at nahulog. Pero patuloy pa rin siyang naglakad kahit nangangapa. Apparently, gusto niyang magkaroon ng idea ang mga bagay na nae-experience ni Jodi ngayong malabong-malabo na ang mga mata niya, on the verge of blindness. Pero nakita ni Jodi ang ginagawa ni Tristan. Nakasimangot siya.
Sa loob ng bahay, natatakpan ng tela ang lahat ng furniture. Napalapit si Tristan sa sopa at sinubukan itong i-angat nang naka-blindfold. Nainsulto dito si Jodi.
“Bitiwan mo yan!! Baka pumunta si Cholo dito!! Pag nagulo yan, baka malaman niyang nandito tayo! Ayokong magkita kaming dalawa!”, sabi ni Jodi kay Tristan.
Pero maya maya ay naging mahinahon din si Jodi. “Pasensya ka na, Tristan. Di ko sinasadya…”.
Maya maya, bigla na lang nagpunta sa tabi ng bintana si Tristan. Nakita niyang parating ang kotse ni Cholo. Then kinausap ni Tristan si Jodi.
Tristan: May pupuntahan lang ako.
Jodi: Saan?
Tristan: Dyan lang. Dito ka lang. May gusto ka ba? Ano, magsabi ka.
Jodi: Wala.
Tristan: Hintay mo ako ha?
Then at this point, tumugtog ang instrumental version ng Bogoshipda.
Bumaba sa kotse si Cholo at naglakad papunta sa bahay. Si Jodi naman ay natalisod malapit sa bintana. Eksakto namang dumungaw si Cholo sa bintana. Naramdaman ito ni Jodi kaya nagtago siya kaagad sa kalapit na kuwarto. Pagkatago ni Jodi, eksakto namang pumasok si Cholo sa pintuan malapit sa bintana.
Nagtungo si Cholo sa piano. Tinanggal niya ang nakatakip na tela at nagpatugtog. Narinig ni Jodi ang tugtog at napaiyak. “Cholo…”, bulong ni Jodi.
Habang nagtatagal, lalong napapaiyak si Jodi dahil sa tugtog ni Cholo. Binuksan ni Jodi nang bahagya ang pintuan ng kuwartong pinagtataguan niya, at pinanood si Cholo kahit na malabo na ang mata. Lalong umiyak si Jodi.
Maya maya, bigla na lang ini-slam ni Cholo ang piano, apparently dahil sa frustration at inis.