Waah! Hindi ko napanood ang episode kahapon!! Overtime ako sa office eh.
The recapper needs a recap.
Buti na lang, may photographic memory ang kapatid ko. Napanood niya kasi yung episode kahapon eh. Kinuwento niya sa akin ang episode in detail.
Here goes…
Continuing from Cholo and her mother’s discussion…
Sabi ni Cholo, “Hayaan mo na akong maging masaya. si jodi lang ang babae para sa akin. Siya lang ang pakakasalan ko wala nang iba. Please ma, alang-alang na lang sa akin.”
Maya maya, nagkita sina Jodi at Cholo sa mall. Walang suot na eyeglasses si Jodi, nakaayos siya at naka-makeup, at nakasuot ng lavender na coat. Si Cholo ay naghihintay sa kanya sa carousel. Malabo naman ang tingin ni Jodi, kaya nalampasan tuloy niya si Cholo. Napansin ito ni Cholo kaya hinila niya si Jodi sa braso.
Cholo: Uy Jodi!! Ano ka ba! Ganda mo ngayon, ah?
Jodi: Bakit? Hindi ba ako maganda para sa iyo?
Cholo: Hindi, maganda ka.
Jodi: Nagpaganda nga pala ako para hindi mo makalimutan ang araw na ito mismo. Gusto ko, lagi mong maaalala ang araw na ito. Para kapag nagkahiwalay na tayo, maaalala mo ako sa itsura ko ngayon.
Cholo: Kahit ano pa ang itsura mo, di naman kita makakalimutan eh.
Jodi: Basta, gusto, maalala mo ang araw na ito.
Then nagyaya si Cholo na magpa-picture silang dalawa. “Tara, picture tayo!”, sabi ni Cholo. “Huwag na!”, sabi ni Jodi. “Sige na! Ang ganda ganda mo ngayon eh!”, sabi ni Cholo. And so nagpa-picture nga sila.
Matapos nilang magpa-picture, hawak-hawak ni Jodi ang picture nilang dalawa. Sabi ni Cholo, “Wow! Bagay na bagay talaga! Ang ganda ng kuha natin ah?!”. Then pinasa ni Jodi ang picture kay Cholo. “O, ikaw na ang magtago ng picture natin”, sabi ni Jodi. “O bakit ako? Ikaw na! Ang ganda-ganda mo diyan eh!”, hirit ni Cholo. “Huwag na! Pangit naman ng kuha natin diyan eh”, ang comment ni Jodi. Hindi na ma-appreciate ni Jodi ang ganda ng picture nila, dahil malabo na ang kanyang mga mata. Pero hindi aware dito si Cholo. “Pangit ba? Tara! Pakuha uli tayo!”, sabi ni Cholo. “Huwag na!”, sabi naman ni Jodi.