Sa mga pag-amin ni Tristan, tuluyan nang nataranta sina Maita at Eunice.
“Di ba sinabi ko sa iyo na huwag mo nang guguluhin si Jodi?”, sabi ni Tristan kay Eunice. Mahal daw kasi ni Tristan si Jodi…bilang magkapatid.
Then nag-decide si Tristan na mamalagi na sa bahay at magpahinga sa attic. “Huwag nyo akong ikukulong. Hindi na ako bata.”, sabi ni Tristan sa nanay niyang si Maita. Then nagkamot ng ulo si Tristan; mannerism na niya ito magmula nung bata pa siya. Umakyat na papuntang attic si Tristan.
Umakyat na rin sina Maita at ang tatay ni Jodi papunta sa mga kuwarto nila. Naiwan sina Jodi at Eunice sa sala.
Maya maya, nasa kuwarto na rin si Eunice. Then pumasok si Jodi at inaway niya si Eunice. Pilit pinaaamin ni Jodi kay Eunice na siya daw ang sumagasa sa kanya. Naniniwala kasi si Jodi sa sinabi ni Tristan, at siguradong paniniwalaan daw siya ni Cholo. Sa galit at gigil ni Jodi kay Eunice, pinagbabato niya si Eunice ng mga unan at manika. Dahil daw kay Eunice ay nasira ang buhay ni Jodi.
Maya maya, pumasok din si Maita sa kuwarto nila. Pinigilan ni Maita ang pang-aaway ni Jodi. Pinagsabihan din ni Jodi si Maita, then umalis si Jodi. Naiwan sa kuwarto sina Maita at Eunice.
Sinabi ni Eunice kay Maita na kinakabahan siya. “Paano na?”, sabi ni Eunice kay Maita. Huwag daw mag-alala, sabi ni Maita, dahil wala raw maniniwala kay Tristan. Pero sabi ni Eunice na alam din daw ng tatay niya ang pangyayari. Sinabi ni Maita na siya raw ang bahala sa tatay niya.
Meanwhile, nagpapahinga na si Tristan sa attic. Pumasok si Jodi.
Tristan: Sorry, sinira ko ang buhay mo. Kung sinabi ko yon sana sa daddy mo, di na sana nangyari ito.
Jodi: Alam mo, kahit ano pa ang gawin mo, di na mababago yon.
Tristan: Hindi ka na sana nahirapan.
Jodi: Tristan, welcome back dito.
Ngumiti si Jodi kay Tristan.
Tristan: Mahal mo ba ako? Sumagot ka. … Bilang magkapatid.
Ngumiti rin si Tristan.
Jodi: Oo.
Ngumiti uli si Jodi.
Tristan: Ngumiti ka. … Ngumiti ka nang maganda.
Maya maya, ini-sketch ni Tristan si Jodi sa canvas.
Jodi: Tristan, ano ba ang maganda sa mukha ko?
Tristan: Mata.
Jodi: Talaga?
Tristan: Yun ang dahilan kung bakit maganda lahat ng sketch ko. Dahil sa mata mo.
Matatandaan nyo na nasa panganib na ang mga mata ni Jodi.
Inutusan ni Tristan na mamili ng mga paint colors. Pero nahihirapan si Jodi dahil lumalabo na naman ang mga mata niya despite her eyeglasses. Nung isang beses na pinakukuha ni Tristan si Jodi ng red paint, ang naibigay ni Jodi kay Tristan ay violet. Nagtaka si Tristan kung bakit mali ang mga colors na binibigay sa kanya. Then sinabi ni Jodi na nadidiliman si Jodi sa kuwarto, then tinanong niya si Tristan kung hindi rin ba siya nahihirapan, kailangan na raw palitan ang ilaw. Nagtaka si Tristan dahil maliwanag naman sa kuwarto nya, pero nakisakay na rin si Tristan. “Oo”, sabi ni Tristan kay Jodi.
Lumabas si Jodi ng bahay. Nagsno-snow sa labas. Sinundan naman siya ni Tristan. Nakita niyang nangangapa si Jodi habang bumababa ng steps, at muntik pang madulas si Jodi. Nagtaka si Tristan at naghinala…