Sa conversation ni Jodi at ng tatay niya, kinuwento ng tatay niya na isa rin daw sa mga dahilan kung bakit ayaw patanggal ng nanay niya ang mga mata niya ay, gusto daw ng nanay niya na makita muna silang mag-ama bago mamatay. Lagi raw nag-aaway ang tatay at nanay ni Jodi, pero matigas daw ang nanay niya.
Maya maya, nag-ring ang cellphone ni Jodi. Si Cholo ang tumatawag. Pero hindi ito sinagot ni Jodi.
Meanwhile, si Cholo ay nasa coffee shop pa rin, naghihintay pa rin kay Jodi kahit late na ng gabi. Magsasara na ang coffee shop, pero naghintay pa rin si Cholo. Ni-renta na lang niya ang kanyang puwesto sa coffee shop para makapag-stay ng magdamag.
Dumating si Jodi sa labas ng coffee shop. Naka-eyeglasses si Jodi at tiningnan si Cholo through the glass window. Nakatapat si Jodi sa puwesto ni Cholo. Si Cholo ay nakatingin lang sa kawalan, mukhang malalim ang iniisip habang naghihintay. Then lumingon si Cholo sa glass window kung saan nakatayo si Jodi, pero tumalikod si Jodi para hindi siya mamukhaan ni Cholo. Hindi napansin ni Cholo si Jodi.
Then tinawagan ni Jodi si Cholo sa cellphone.
Nalaman kaagad ni Cholo na si Jodi ang nasa cellphone. “Jodi! Bakit ngayon ka lang tumawag? Kanina pa ako naghihintay dito???”, sabi ni Cholo. “Di ko akalain na hihintayin mo ako ng hanggang ganitong oras”, sabi ni Jodi. Nagmaang-maangan si Jodi na nakalimutan niya ang usapan, pero sinita ito ni Cholo. “Di ba may usapan tayo??”, sabi ni Cholo.
Then naghinala si Cholo na baka may kinikimkim na galit si Jodi. “Nagalit ka ba dahil sa article?”, sabi ni Cholo, referring to the headlines na malapit na raw ikasal si Cholo kay Eunice. Sabi naman ni Jodi, “Oo, nagalit ako!”. Pero binawi rin ito ni Jodi: “Hindi, biro lang. Sinusubukan ko lang kung maghihintay ka.”
Pero ang totoo ay ayaw ikuwento ni Jodi kay Cholo ang nangyari sa kanya sa hospital at ang matinding lungkot at takot na nararamdaman niya dahil sa kanyang awareness ng kanyang sakit sa mata at baka hindi na siya magtagal dito sa mundo. Parang magulo ang isip ni Jodi.
Then nagpatuloy si Cholo, “Pupunta ka ba?”. Sumagot si Jodi, “Di ako pupunta!”. Nagalit si Cholo: “Eh di wag!”. Then kapwa nila binaba ang cellphone, pero later on ay sabay din nilang inangat ang kanilang cellphone. “Ano ba?? Pupunta ka ba??”, galit na sumigaw si Cholo. “Sabi mo, huwag na akong pumunta”, patampong sumagot si Jodi. “Huwag ka nang maarte diyan! Pumunta ka na rito!”, sabi ni Cholo. Then nagdahilan si Jodi, “Sinusubukan ko lang kung magagalit ka sa akin. Makakapaghintay ka ba hanggang mamaya?” Nag-tone down naman ang voice ni Cholo, at mukhang willing siya. “Oo! Maghihintay ako! O sige, di na ko galit. Pumunta ka na.”