Hello sa inyo!
Napaliit ko na ang mga sizes ng WAV tones ko. Kung meron kayong WAV-capable na cellphone, please paki-try kung okay na ang mga WAV tones na nagawa ko. Pakisabi lang sa akin kung okay na ha? Kasi kung okay na, ipo-post ko na ang iba pang mga WAV tones ko.
Heto na sila: (Right-click on the song titles and select Save Target As or Save Link As)
Ave Maria, Stanza 2 variation 1 (754 KB)
Bogoshipda, Chorus (765 KB)
Pag-ibig Ko’y Pansinin, Chorus Finale (553 KB)
Paki-comment lang po sa Add Comments or sa tagboard.
Pasensya na ha at na-late ako sa pag-post ng recaps, tinanghali ako ng gising eh…
Continuing from the conversation between Cholo and Eunice…
Sinabi ni Cholo kay Eunice, “I’m sorry”, at umupo na sa kanyang upuan sa office. Umiyak lalo si Eunice at padabog na umalis ng office. Pagkalabas ni Eunice, nasalubong niya ang alalay ni Cholo na si Mr. Jang. Bigla na lang tinulak ni Eunice si Mr. Jang sa pader, as if kay Mr. Jang binuhos ang galit.
Later on, nakasalubong ni Eunice ang nanay ni Cholo na si Sol. Kinumusta ni Sol si Eunice, dahil napansin niyang umiiyak siya. Then pinapasok ni Sol si Eunice sa kanyang room.
Sinabi ni Eunice na nasasaktan daw siya dahil si Jodi ang pinili ni Cholo na pakakasalan. Nangako naman si Sol na pipilitin niya ang kanyang anak na makasal sa kanya. Ipaa-announce kaagad ni Sol ang kasal daw nina Cholo at Eunice.
Kinabukasan, naging headline nga sa mga diyaryo ang announcement ng kasal nina Cholo at Eunice, taliwas sa kagustuhan ni Cholo.
Nabasa ni Tristan sa isang newsstand ang announcement ng kasal. Kaya pag-uwi niya nang sandali sa bahay, nagbihis si Tristan para umalis uli at puntahan ang bahay ng kanyang kapatid na si Eunice. Pero pinipigilan siya ng tatay niya dahil baka raw mapahamak ang kanyang kapatid. Pero hindi rin pumayag si Tristan, dahil paano na raw si Jodi na walang kasalanan? Desedido na raw si Tristan, at kung sakaling wala raw maniwala sa kanya, pagsasalitain daw niya ang sariling tatay. Dapat daw kasing isipin ng kanyang tatay ang kalagayan ni Jodi at maawa sa kanya. Then paalis na ng bahay si Tristan. Humiling ang tatay na huwag daw siyang tuluyang iwan. Sabi naman ni Tristan na babalik lang daw siya kapag naayos na ang problema ni Jodi.