Continuing from the conversation with Cholo and Sol,…
Sol: Kung hindi ka papayag, di ka makakabalik.
Cholo: Sorry, Mommy. (Implying na hindi pumayag si Cholo.)
Then nagpa-schedule na ng meeting si Sol.
Nagpunta si Cholo sa kanyang favorite restaurant. Gusto niya sanang kumain, pero mukhang kokonti na lang ang perang natitira sa kanya. Eksakto naman na papunta rin sa restaurant si Jodi. So nakita ni Jodi si Cholo, at niyaya si Cholo na kumain sila sa loob ng restaurant. Pero ayaw ni Cholo at nagdahilan na hindi raw maganda ang luto doon. Nagtaka si Jodi dahil hindi maganda ang comment ni Cholo sa favorite niyang restaurant. Apparently, ayaw aminin ni Cholo na nagigipit na siya. Then sinabi naman ni Cholo na mukhang tumataba na raw si Jodi kaya kailangan daw niyang mag-diet. Apparently, isa uli itong tactic ni Cholo para ma-discourage niya si Jodi na magyayang kumain silang dalawa. So niyaya na lang ni Jodi si Cholo na mamasyal, tutal magki-Christmas na. Pumayag si Cholo at umalis sila pareho sa restaurant para mamasyal. Di nila alam na pinapanood pala sila ng alalay ni Cholo na si Mr. Jang sa kalayuan.
Inabot sila ng gabi. Pauwi na sina Jodi at Cholo. Pasan-pasan ni Jodi si Cholo! Eventually, napagod na si Jodi, so si Cholo naman ang nagpasan kay Jodi.
Napadaan sila sa isang restaurant. Nagyaya na naman si Jodi kumain. Pero ayaw pa rin ni Cholo kumain, at idinahilan niya na kailangan daw mag-diet ni Jodi. Pero hindi pumayag si Jodi dahil gutom na gutom na raw siya. So gumawa na naman ng bagong dahilan si Cholo at sinabing parang nasusuka raw siya, kaya kailangan daw niyang magpahinga. So pumasok silang dalawa sa inn na tinutuluyan ni Cholo.
Pagpasok nila sa kuwarto ni Cholo, binuksan nila ang ilaw. Laking gulat nila nung nakita nila na may masasarap na pagkain na nakahain sa mesa! Nabasa ni Cholo ang isang message sa isang maliit na papel, at nalaman niya na nanggaling pala kay Mr. Jang ang pagkain. “Wow!! Ang sarap ng dinala niya!!”, sabi ni Jodi. Kaya napasigaw si Cholo, “Kainan na!!”.
Maraming nakain si Cholo na pagkain. Nagtaka tuloy si Jodi dahil ang sabi ni Cholo kanina lang ay nasusuka siya kaya hindi makakain, and yet marami siyang nakain. Nagsuspetsa si Jodi na baka nagsisinungaling lang si Cholo. Pero sabi ni Cholo na huwag na raw magtanong si Jodi. Then sinabi ni Cholo na malalaman daw ang halaga ng isang bagay kapag nawala na ito sa kanya. Tinanong ni Jodi kung bakit bigla na lang nasabi ni Cholo yon. “Wala lang”, sabi ni Cholo.
Then pinalabas ni Cholo kay Jodi ang empty gift box. Then pinakita ni Cholo ang kanyang kamaong walang laman. Alam na raw ni Jodi ang ibig sabihin nun: pag-asa. Then sinabi ni Cholo na hangga’t may buhay ay may pag-asa, kaya huwag daw siyang mawawalan ng pag-asa.