Hi! Sa bahay namin, gumagawa ako ng WAV tones ng mga popular songs (like STH OST’s), para mailagay nyo sa cellphones nyo if they’re WAV capable. Gusto ko sanang i-post na ang mga WAV tones ko, kaya lang feeling ko, napakalaki ng sizes ng WAV tones na nagawa ko. Yung chorus lang ng Bogoshipda ay inabot pa ng 7 MB!! May alam akong ways kung paano pa paliliitin ang mga file sizes, kaya lang….
…Wala pa akong idea kung ano ang acceptable size para sa isang WAV tone. Okay lang ba sa inyo ang WAV tone na 4 MB? Sabi naman ng officemate kong si Brian, ang acceptable size daw para sa kanya ay not more than 1 MB. But I’m very aware that the smaller the file size, the lesser the quality of the sound.
Kayo, anong maipapayo nyo sa akin? What do you think is an acceptable size for WAV tones? You may comment on my post, or post your answers to my tagboard.
Yun lang po!
Sa isang restaurant, nagkita ang tatay ni Tristan at ang leader ng grupo ng sindikatong bumugbog sa kanila noon. Nagbayad na ng utang ang tatay, pero hindi pa raw sapat ito, sabi ng leader. Interest lang daw kasi ang binayaran ng tatay. Hindi makapaniwala ang tatay sa sinabi niya. Then binigyan siya ng leader ng limang araw lang para magbayad. After umalis ng grupo, napaiyak ang tatay.
Pero maya maya, nagpunta ang isang waiter doon sa tatay ni Tristan, at sinabi na may naghihintay daw na tao sa kanya. So nagpunta at pumasok ang tatay sa isang kuwarto (apparently isang “guest room” or something) at nakita niya ang taong naghihintay sa kanya. Si Maita pala yon! Kinumusta ng tatay si Maita, at baka nami-miss na raw siya ni Maita. Hanggang ngayon ay nagagandahan pa rin ang tatay kay Maita.
Then sinabi ni Maita na bibilhin daw niya ang painting ni Tristan. Nag-disagree ang tatay dahil hindi na raw nagbebenta ng painting si Tristan. Nagtaka din ang tatay sa biglang pagkakaroon ni Maita ng interes sa paintings. Sabi ni Maita na may malaking pera daw sa painting ni Tristan. Pag ayaw pa rin daw ng tatay na ibenta ang painting ni Tristan, pupuntahan daw ni Maita mismo si Tristan at doon siya mamimilit. Naghinala ang tatay na may connection si Maita sa mga sindikatong bumugbog sa kanya at kay Tristan. Sabi ni Maita na wala raw siyang pakialam kung bugbugin pa si Tristan ng mga sindikato, basta ang importante ay makuha niya ang painting. Nagalit ang tatay at sinabing nababaliw na raw si Maita.
Pero nag-iba ng technique si Maita para kumbinsihin ang tatay. Bigla siyang naging seductive at mukhang tine-tempt niya sexually ang tatay. Then hinipo ni Maita sa mukha ang tatay ni Tristan. Sinabi ni Maita na bibilhin daw niya ang painting after one week, at nangakong babayaran niya siya. Pero reluctant pa rin ang tatay. Kaya pinairal na naman ni Maita ang kanyang panunukso at naghubad siya ng pang-itaas; halos natira lang ang bra niya. Then sabi ni Maita, “Di ka ba naiinitan?”