Nagpunta sina Cholo at Jodi sa isang soccer field. Naglaro silang dalawa. Ang galing mag-soccer ni Cholo! Panay ang pagpapatalbog ni Cholo ng bola sa ibabaw ng ulo niya nang ilang ulit at hindi nagmimintis.
Inaagaw ni Jodi ang bola, pero hindi niya ito maagaw kay Cholo. In desperation, hinila ni Jodi ang jacket ni Cholo hanggang sa matanggal ito sa kanya, habang inaagaw ni Jodi ang bola. Nagkatuwaan silang dalawa.
Then maya maya, pinatayo ni Cholo si Jodi sa harap ng soccer goal (yung may malaking net). Then inutusan ni Cholo si Jodi na harangin ang bola para hindi makapasok sa goal. Sinabi ni Cholo na sisipain niya ang bola papunta sa kaliwa, kaya dapat din daw itong puntahan ni Jodi sa kaliwa para maharang ang bola. Next, sinipa nga ni Cholo ang bola pakaliwa, pero nagkamali si Jodi at pumunta siya sa kanan, kaya di niya tuloy naharang ang bola. Natawa si Cholo.
Later on, nagpalit ng puwesto sina Cholo at Jodi. Si Cholo naman ang nasa harap ng goal. Sinabi ni Jodi na sisipain niya pakanan ang bola, kaya dapat daw puntahan din ito ni Cholo sa kanan. And so sinipa nga ni Jodi ang bola, pero niloko niya si Cholo at pinapunta ang bola sa kaliwa imbis na sa kanan. Si Cholo naman ay nagpunta sa kanan dahil sa naunang utos ni Jodi, kaya hindi tuloy naharang ni Cholo ang bola. Pinagtawanan ni Jodi si Cholo dahil madali raw siyang mauto. Then inulit nilang dalawa ang kanilang setup, with Cholo still in front of the goal and Jodi about to kick the ball. Sinabi naman ni Jodi na sisipain niya pakaliwa ang bola. Then inabangan ni Cholo ang bola. Pagsipa ni Jodi ng bola, hindi nagpunta sa kaliwa si Cholo, dahil naisip niya na niloloko lang siya ni Jodi. Instead, nagpunta siya sa kanan. Unfortunately for Cholo, papunta nga sa kaliwa ang bola just like Jodi said. Kaya ayan tuloy, hindi na naman naharang ni Cholo ang bola.