Si Jodi ay naiwan sa bahay, kaharap sina Maita, Eunice, at ang tatay niya. Earlier, lumabas si Cholo para umuwi.
Nagpaliwanag si Jodi kina Maita na kaya hindi niya nasabi ang tungkol sa kanila ni Tristan ay dahil ayaw itong pasabi ni Tristan. At hindi raw puwedeng pag-isipan ng masama si Tristan dahil si Tristan lang daw ang nag-alaga at nakasama niya nung mga panahon na may amnesia siya. Pero pinagdududahan kunwari siya ni Maita. “Sigurado ka bang yan ang sinabi ni Tristan?”, sabi niya. Pero nainis na si Jodi sa attitude ni Maita. “Anong gusto mong palabasin? Na sinungaling ako??”, sabi ni Jodi. Nasabi din niya na magagaling daw silang magpanggap.
Umeksena si Eunice: “Akala mo ba, maniniwala pa sila?” Then sinabihan ni Eunice si Jodi na huwag na raw siyang manggugulo sa kanila at lumayo na kay Cholo. Pero nag-reply naman si Jodi na si Eunice daw talaga ang nanggugulo, at ganyan na raw ang ginagawa ni Eunice ever since nung bata pa sila.
Then pinanindigan ni Jodi ang kanyang pag-ibig kay Cholo. “Ipaglalaban ko ang pag-ibig ko! Dad, ipaglalaban ko ang pag-ibig ko, kahit ayaw nyo.”
Umeksena na naman si Maita, at nagpanggap na parang wala siyang kinalaman sa mga nangyayari. “Bakit ganito? Ba’t nangyayari sa atin ito??”, sabi niya. Nagsalita na rin ang tatay ni Jodi, “Kailangan nating makita si Tristan. Kailangang ipaliwanag niya ang lahat nang ito.” Biglang natakot sina Maita at Eunice dahil ayaw nilang mangyari na magtapat si Tristan sa kanilang lahat, so nag-attempt si Maita na i-sway ang kagustuhan ng kanyang asawa. “Mapapatawad mo ba si Tristan?”, sabi ni Maita sa asawa niya. Pero nagdesisyon na ang tatay ni Jodi: “Basta gusto ko munang marinig ang mga sasabihin niya”.
Nakahiga na si Jodi sa kama sa kanyang kuwarto. Hinaplos niya ang isang painting ni Tristan. “Tristan, kahit nasaan ka man ngayon, sana maging masaya ka na. Ayokong malungkot ka.” Naluluha si Jodi.
Then pumasok naman sa kuwarto niya ang tatay niya. Lumapit ang tatay niya at hinaplos ang kanyang noo habang nakahiga. “Jodi, okay ka lang?”, tanong ng tatay. “Opo”, sabi ni Jodi. Then maya maya, nagyakapan silang dalawa. “Sorry po, daddy”, sabi ni Jodi habang umiiyak.
Sina Eunice naman at si Maita ay nag-usap. Kinakabahan si Eunice dahil ayaw niyang umuwi sa kanila si Tristan. Pero confident naman si Maita dahil siya na raw ang bahala kay Tristan, at sisiguraduhin niyang mabubulok si Tristan sa kulungan. Nag-alala naman si Eunice kung paano naman ang gagawin nila kay Cholo. Sabi naman ni Maita na si Cholo ay kontrolado naman ng mommy niya, kaya huwag daw mag-alala si Eunice.
Then after that, tinawagan ni Maita ang nanay ni Cholo na si Sol. Nag-iyak-iyakan si Maita at ikinuwento niya ang tungkol sa mga plano ni Cholo kay Jodi.