Faces of the Moon

Stairway To Heaven: Recap

March 30, 2005

Earlier, hindi na naabutan ni Cholo sina Tristan at Jodi dahil nakasakay na sila sa taxi.

Later on, nakita ni Jodi na nagpe-paint si Tristan. Tiningnan ni Jodi kung ano ang pine-paint niya, pero ayaw ipakita ni Tristan. Mukha raw ni Jodi ang pine-paint niya. Nagtaka naman si Jodi dahil halos hindi nagpapahinga si Tristan sa kanyang pagpe-paint. Hindi kasi alam ni Jodi na ibebenta ni Tristan ang painting for 30 million won.

Nabanggit ni Jodi na tanggap na niya ang posibilidad na mamamatay na siya pagdating ng araw. Nagalit si Tristan sa sinabi ni Jodi. “Huwag mong sabihin yan! Huwag kang mag-isip ng ganyan! Hindi mangyayari yan!”, ang sabi ni Tristan na may halong pag-aaalala. Pero mukhang mahinahon si Jodi sa kanyang mga nasabi, as if nag-concede na si Jodi na mamamatay na nga siya. Naiyak si Tristan dahil dito.

Sa labas ng bahay, nagtaka si Jodi dahil parang nagdidilim na ang paligid. Tinanong niya kay Tristan kung madilim nga ba ang panahon. “Oo”, sabi ni Tristan, kahit na alam niyang tanghaling tapat ang oras. Apparently, ayaw ni Tristan na mag-alala pa lalo si Jodi sa kondisyon ng mga nagdidilim na mata niya.

Maya maya, nagkita si Tristan at ang kanyang buyer sa isang subway. Dala ni Tristan ang kanyang painting, samantalang dala naman ng kanyang buyer ang suitcase na may lamang pera. Nagpalit silang dala ng mga dalahin. Binuksan ni Tristan ang suitcase at nakita nga niya ang limpak-limpak na pera sa loob.

Pero lingid sa kaalaman ni Tristan, isa pala itong setup ni Maita. So nagulat na lang si Tristan nang biglang nagsidatingan ang mga pulis. Inaresto ng mga pulis ang buyer. Hinabol naman nila si Tristan, habang nagmamadaling tumakas si Tristan dala ang suitcase.

(more…)

Posted by Perry Valdez at 4:18 pm | permalink | comments[20]

STH Recap to be posted later…

Hi guys! Sorry kung di ko pa napo-post yung recap ko for yesterday’s episode ha? Busy lang ako dito sa office. Pero mamayang hapon, ipo-post ko na.

Nakakaiyak yung episode kahapon. Yung nanay ko, umiiyak na habang nanonood! :-P

Posted by Perry Valdez at 11:14 am | permalink | comments[10]

Stairway To Heaven: Recap

March 29, 2005

Di pa rin sumasagot si Jodi sa cellphone ni Cholo.

“Jodi, Jodi, magsalita ka! Bakit? Jodi! JODI!!! Jodi! Nasaan ka? Sumagot ka, JODI!!!”, sigaw ni Cholo sa kanyang cellphone.

Meanwhile, si Jodi ay nasa phone booth pa rin, ayaw sagutin si Cholo, umiiyak.

Later in the house, bumaba si Tristan ng hagdan nang naka-blindfold. Nangangapa si Tristan habang bumababa ng hagdan. Nung malapit na siya sa hagdan, natalisod siya at nahulog. Pero patuloy pa rin siyang naglakad kahit nangangapa. Apparently, gusto niyang magkaroon ng idea ang mga bagay na nae-experience ni Jodi ngayong malabong-malabo na ang mga mata niya, on the verge of blindness. Pero nakita ni Jodi ang ginagawa ni Tristan. Nakasimangot siya.

Sa loob ng bahay, natatakpan ng tela ang lahat ng furniture. Napalapit si Tristan sa sopa at sinubukan itong i-angat nang naka-blindfold. Nainsulto dito si Jodi.

“Bitiwan mo yan!! Baka pumunta si Cholo dito!! Pag nagulo yan, baka malaman niyang nandito tayo! Ayokong magkita kaming dalawa!”, sabi ni Jodi kay Tristan.

Pero maya maya ay naging mahinahon din si Jodi. “Pasensya ka na, Tristan. Di ko sinasadya…”.

Maya maya, bigla na lang nagpunta sa tabi ng bintana si Tristan. Nakita niyang parating ang kotse ni Cholo. Then kinausap ni Tristan si Jodi.

Tristan: May pupuntahan lang ako.

Jodi: Saan?

Tristan: Dyan lang. Dito ka lang. May gusto ka ba? Ano, magsabi ka.

Jodi: Wala.

Tristan: Hintay mo ako ha?

Then at this point, tumugtog ang instrumental version ng Bogoshipda.

Bumaba sa kotse si Cholo at naglakad papunta sa bahay. Si Jodi naman ay natalisod malapit sa bintana. Eksakto namang dumungaw si Cholo sa bintana. Naramdaman ito ni Jodi kaya nagtago siya kaagad sa kalapit na kuwarto. Pagkatago ni Jodi, eksakto namang pumasok si Cholo sa pintuan malapit sa bintana.

Nagtungo si Cholo sa piano. Tinanggal niya ang nakatakip na tela at nagpatugtog. Narinig ni Jodi ang tugtog at napaiyak. “Cholo…”, bulong ni Jodi.

Habang nagtatagal, lalong napapaiyak si Jodi dahil sa tugtog ni Cholo. Binuksan ni Jodi nang bahagya ang pintuan ng kuwartong pinagtataguan niya, at pinanood si Cholo kahit na malabo na ang mata. Lalong umiyak si Jodi.

Maya maya, bigla na lang ini-slam ni Cholo ang piano, apparently dahil sa frustration at inis.

(more…)

Posted by Perry Valdez at 11:44 am | permalink | comments[31]

Stairway To Heaven: Recap

March 24, 2005

Waah! Hindi ko napanood ang episode kahapon!! Overtime ako sa office eh. :(

The recapper needs a recap. :P

Buti na lang, may photographic memory ang kapatid ko. Napanood niya kasi yung episode kahapon eh. Kinuwento niya sa akin ang episode in detail.

Here goes…

Continuing from Cholo and her mother’s discussion…

Sabi ni Cholo, “Hayaan mo na akong maging masaya. si jodi lang ang babae para sa akin. Siya lang ang pakakasalan ko wala nang iba. Please ma, alang-alang na lang sa akin.”

Maya maya, nagkita sina Jodi at Cholo sa mall. Walang suot na eyeglasses si Jodi, nakaayos siya at naka-makeup, at nakasuot ng lavender na coat. Si Cholo ay naghihintay sa kanya sa carousel. Malabo naman ang tingin ni Jodi, kaya nalampasan tuloy niya si Cholo. Napansin ito ni Cholo kaya hinila niya si Jodi sa braso.

Cholo: Uy Jodi!! Ano ka ba! Ganda mo ngayon, ah?

Jodi: Bakit? Hindi ba ako maganda para sa iyo?

Cholo: Hindi, maganda ka.

Jodi: Nagpaganda nga pala ako para hindi mo makalimutan ang araw na ito mismo. Gusto ko, lagi mong maaalala ang araw na ito. Para kapag nagkahiwalay na tayo, maaalala mo ako sa itsura ko ngayon.

Cholo: Kahit ano pa ang itsura mo, di naman kita makakalimutan eh.

Jodi: Basta, gusto, maalala mo ang araw na ito.

Then nagyaya si Cholo na magpa-picture silang dalawa. “Tara, picture tayo!”, sabi ni Cholo. “Huwag na!”, sabi ni Jodi. “Sige na! Ang ganda ganda mo ngayon eh!”, sabi ni Cholo. And so nagpa-picture nga sila.

Matapos nilang magpa-picture, hawak-hawak ni Jodi ang picture nilang dalawa. Sabi ni Cholo, “Wow! Bagay na bagay talaga! Ang ganda ng kuha natin ah?!”. Then pinasa ni Jodi ang picture kay Cholo. “O, ikaw na ang magtago ng picture natin”, sabi ni Jodi. “O bakit ako? Ikaw na! Ang ganda-ganda mo diyan eh!”, hirit ni Cholo. “Huwag na! Pangit naman ng kuha natin diyan eh”, ang comment ni Jodi. Hindi na ma-appreciate ni Jodi ang ganda ng picture nila, dahil malabo na ang kanyang mga mata. Pero hindi aware dito si Cholo. “Pangit ba? Tara! Pakuha uli tayo!”, sabi ni Cholo. “Huwag na!”, sabi naman ni Jodi.

(more…)

Posted by Perry Valdez at 6:51 pm | permalink | comments[18]

Stairway To Heaven: Recap

March 23, 2005

Sa mga pag-amin ni Tristan, tuluyan nang nataranta sina Maita at Eunice.

“Di ba sinabi ko sa iyo na huwag mo nang guguluhin si Jodi?”, sabi ni Tristan kay Eunice. Mahal daw kasi ni Tristan si Jodi…bilang magkapatid.

Then nag-decide si Tristan na mamalagi na sa bahay at magpahinga sa attic. “Huwag nyo akong ikukulong. Hindi na ako bata.”, sabi ni Tristan sa nanay niyang si Maita. Then nagkamot ng ulo si Tristan; mannerism na niya ito magmula nung bata pa siya. Umakyat na papuntang attic si Tristan.

Umakyat na rin sina Maita at ang tatay ni Jodi papunta sa mga kuwarto nila. Naiwan sina Jodi at Eunice sa sala.

Maya maya, nasa kuwarto na rin si Eunice. Then pumasok si Jodi at inaway niya si Eunice. Pilit pinaaamin ni Jodi kay Eunice na siya daw ang sumagasa sa kanya. Naniniwala kasi si Jodi sa sinabi ni Tristan, at siguradong paniniwalaan daw siya ni Cholo. Sa galit at gigil ni Jodi kay Eunice, pinagbabato niya si Eunice ng mga unan at manika. Dahil daw kay Eunice ay nasira ang buhay ni Jodi.

Maya maya, pumasok din si Maita sa kuwarto nila. Pinigilan ni Maita ang pang-aaway ni Jodi. Pinagsabihan din ni Jodi si Maita, then umalis si Jodi. Naiwan sa kuwarto sina Maita at Eunice.

Sinabi ni Eunice kay Maita na kinakabahan siya. “Paano na?”, sabi ni Eunice kay Maita. Huwag daw mag-alala, sabi ni Maita, dahil wala raw maniniwala kay Tristan. Pero sabi ni Eunice na alam din daw ng tatay niya ang pangyayari. Sinabi ni Maita na siya raw ang bahala sa tatay niya.

Meanwhile, nagpapahinga na si Tristan sa attic. Pumasok si Jodi.

Tristan: Sorry, sinira ko ang buhay mo. Kung sinabi ko yon sana sa daddy mo, di na sana nangyari ito.

Jodi: Alam mo, kahit ano pa ang gawin mo, di na mababago yon.

Tristan: Hindi ka na sana nahirapan.

Jodi: Tristan, welcome back dito.

Ngumiti si Jodi kay Tristan.

Tristan: Mahal mo ba ako? Sumagot ka. … Bilang magkapatid.

Ngumiti rin si Tristan.

Jodi: Oo.

Ngumiti uli si Jodi.

Tristan: Ngumiti ka. … Ngumiti ka nang maganda.

Maya maya, ini-sketch ni Tristan si Jodi sa canvas.

Jodi: Tristan, ano ba ang maganda sa mukha ko?

Tristan: Mata.

Jodi: Talaga?

Tristan: Yun ang dahilan kung bakit maganda lahat ng sketch ko. Dahil sa mata mo.

Matatandaan nyo na nasa panganib na ang mga mata ni Jodi.

Inutusan ni Tristan na mamili ng mga paint colors. Pero nahihirapan si Jodi dahil lumalabo na naman ang mga mata niya despite her eyeglasses. Nung isang beses na pinakukuha ni Tristan si Jodi ng red paint, ang naibigay ni Jodi kay Tristan ay violet. Nagtaka si Tristan kung bakit mali ang mga colors na binibigay sa kanya. Then sinabi ni Jodi na nadidiliman si Jodi sa kuwarto, then tinanong niya si Tristan kung hindi rin ba siya nahihirapan, kailangan na raw palitan ang ilaw. Nagtaka si Tristan dahil maliwanag naman sa kuwarto nya, pero nakisakay na rin si Tristan. “Oo”, sabi ni Tristan kay Jodi.

Lumabas si Jodi ng bahay. Nagsno-snow sa labas. Sinundan naman siya ni Tristan. Nakita niyang nangangapa si Jodi habang bumababa ng steps, at muntik pang madulas si Jodi. Nagtaka si Tristan at naghinala…

(more…)

Posted by Perry Valdez at 8:44 am | permalink | comments[23]

Stairway To Heaven: Recap

March 22, 2005

Sa conversation ni Jodi at ng tatay niya, kinuwento ng tatay niya na isa rin daw sa mga dahilan kung bakit ayaw patanggal ng nanay niya ang mga mata niya ay, gusto daw ng nanay niya na makita muna silang mag-ama bago mamatay. Lagi raw nag-aaway ang tatay at nanay ni Jodi, pero matigas daw ang nanay niya.

Maya maya, nag-ring ang cellphone ni Jodi. Si Cholo ang tumatawag. Pero hindi ito sinagot ni Jodi.

Meanwhile, si Cholo ay nasa coffee shop pa rin, naghihintay pa rin kay Jodi kahit late na ng gabi. Magsasara na ang coffee shop, pero naghintay pa rin si Cholo. Ni-renta na lang niya ang kanyang puwesto sa coffee shop para makapag-stay ng magdamag.

Dumating si Jodi sa labas ng coffee shop. Naka-eyeglasses si Jodi at tiningnan si Cholo through the glass window. Nakatapat si Jodi sa puwesto ni Cholo. Si Cholo ay nakatingin lang sa kawalan, mukhang malalim ang iniisip habang naghihintay. Then lumingon si Cholo sa glass window kung saan nakatayo si Jodi, pero tumalikod si Jodi para hindi siya mamukhaan ni Cholo. Hindi napansin ni Cholo si Jodi.

Then tinawagan ni Jodi si Cholo sa cellphone.

Nalaman kaagad ni Cholo na si Jodi ang nasa cellphone. “Jodi! Bakit ngayon ka lang tumawag? Kanina pa ako naghihintay dito???”, sabi ni Cholo. “Di ko akalain na hihintayin mo ako ng hanggang ganitong oras”, sabi ni Jodi. Nagmaang-maangan si Jodi na nakalimutan niya ang usapan, pero sinita ito ni Cholo. “Di ba may usapan tayo??”, sabi ni Cholo.

Then naghinala si Cholo na baka may kinikimkim na galit si Jodi. “Nagalit ka ba dahil sa article?”, sabi ni Cholo, referring to the headlines na malapit na raw ikasal si Cholo kay Eunice. Sabi naman ni Jodi, “Oo, nagalit ako!”. Pero binawi rin ito ni Jodi: “Hindi, biro lang. Sinusubukan ko lang kung maghihintay ka.”

Pero ang totoo ay ayaw ikuwento ni Jodi kay Cholo ang nangyari sa kanya sa hospital at ang matinding lungkot at takot na nararamdaman niya dahil sa kanyang awareness ng kanyang sakit sa mata at baka hindi na siya magtagal dito sa mundo. Parang magulo ang isip ni Jodi.

Then nagpatuloy si Cholo, “Pupunta ka ba?”. Sumagot si Jodi, “Di ako pupunta!”. Nagalit si Cholo: “Eh di wag!”. Then kapwa nila binaba ang cellphone, pero later on ay sabay din nilang inangat ang kanilang cellphone. “Ano ba?? Pupunta ka ba??”, galit na sumigaw si Cholo. “Sabi mo, huwag na akong pumunta”, patampong sumagot si Jodi. “Huwag ka nang maarte diyan! Pumunta ka na rito!”, sabi ni Cholo. Then nagdahilan si Jodi, “Sinusubukan ko lang kung magagalit ka sa akin. Makakapaghintay ka ba hanggang mamaya?” Nag-tone down naman ang voice ni Cholo, at mukhang willing siya. “Oo! Maghihintay ako! O sige, di na ko galit. Pumunta ka na.”

(more…)

Posted by Perry Valdez at 12:15 am | permalink | comments[24]

WAV tones for testing

March 19, 2005

Hello sa inyo!

Napaliit ko na ang mga sizes ng WAV tones ko. Kung meron kayong WAV-capable na cellphone, please paki-try kung okay na ang mga WAV tones na nagawa ko. Pakisabi lang sa akin kung okay na ha? Kasi kung okay na, ipo-post ko na ang iba pang mga WAV tones ko.

Heto na sila: (Right-click on the song titles and select Save Target As or Save Link As)

Ave Maria, Stanza 2 variation 1 (754 KB)

Bogoshipda, Chorus (765 KB)

Pag-ibig Ko’y Pansinin, Chorus Finale (553 KB)

Paki-comment lang po sa Add Comments or sa tagboard. :)

Posted by Perry Valdez at 3:46 pm | permalink | comments[38]

Stairway To Heaven: Recap

Pasensya na ha at na-late ako sa pag-post ng recaps, tinanghali ako ng gising eh…

Continuing from the conversation between Cholo and Eunice…

Sinabi ni Cholo kay Eunice, “I’m sorry”, at umupo na sa kanyang upuan sa office. Umiyak lalo si Eunice at padabog na umalis ng office. Pagkalabas ni Eunice, nasalubong niya ang alalay ni Cholo na si Mr. Jang. Bigla na lang tinulak ni Eunice si Mr. Jang sa pader, as if kay Mr. Jang binuhos ang galit.

Later on, nakasalubong ni Eunice ang nanay ni Cholo na si Sol. Kinumusta ni Sol si Eunice, dahil napansin niyang umiiyak siya. Then pinapasok ni Sol si Eunice sa kanyang room.

Sinabi ni Eunice na nasasaktan daw siya dahil si Jodi ang pinili ni Cholo na pakakasalan. Nangako naman si Sol na pipilitin niya ang kanyang anak na makasal sa kanya. Ipaa-announce kaagad ni Sol ang kasal daw nina Cholo at Eunice.

Kinabukasan, naging headline nga sa mga diyaryo ang announcement ng kasal nina Cholo at Eunice, taliwas sa kagustuhan ni Cholo.

Nabasa ni Tristan sa isang newsstand ang announcement ng kasal. Kaya pag-uwi niya nang sandali sa bahay, nagbihis si Tristan para umalis uli at puntahan ang bahay ng kanyang kapatid na si Eunice. Pero pinipigilan siya ng tatay niya dahil baka raw mapahamak ang kanyang kapatid. Pero hindi rin pumayag si Tristan, dahil paano na raw si Jodi na walang kasalanan? Desedido na raw si Tristan, at kung sakaling wala raw maniwala sa kanya, pagsasalitain daw niya ang sariling tatay. Dapat daw kasing isipin ng kanyang tatay ang kalagayan ni Jodi at maawa sa kanya. Then paalis na ng bahay si Tristan. Humiling ang tatay na huwag daw siyang tuluyang iwan. Sabi naman ni Tristan na babalik lang daw siya kapag naayos na ang problema ni Jodi.

(more…)

Posted by Perry Valdez at 3:04 pm | permalink | comments[7]

Stairway To Heaven: Recap

March 18, 2005

Continuing from the conversation with Cholo and Sol,…

Sol: Kung hindi ka papayag, di ka makakabalik.

Cholo: Sorry, Mommy. (Implying na hindi pumayag si Cholo.)

Then nagpa-schedule na ng meeting si Sol.

Nagpunta si Cholo sa kanyang favorite restaurant. Gusto niya sanang kumain, pero mukhang kokonti na lang ang perang natitira sa kanya. Eksakto naman na papunta rin sa restaurant si Jodi. So nakita ni Jodi si Cholo, at niyaya si Cholo na kumain sila sa loob ng restaurant. Pero ayaw ni Cholo at nagdahilan na hindi raw maganda ang luto doon. Nagtaka si Jodi dahil hindi maganda ang comment ni Cholo sa favorite niyang restaurant. Apparently, ayaw aminin ni Cholo na nagigipit na siya. Then sinabi naman ni Cholo na mukhang tumataba na raw si Jodi kaya kailangan daw niyang mag-diet. Apparently, isa uli itong tactic ni Cholo para ma-discourage niya si Jodi na magyayang kumain silang dalawa. So niyaya na lang ni Jodi si Cholo na mamasyal, tutal magki-Christmas na. Pumayag si Cholo at umalis sila pareho sa restaurant para mamasyal. Di nila alam na pinapanood pala sila ng alalay ni Cholo na si Mr. Jang sa kalayuan.

Inabot sila ng gabi. Pauwi na sina Jodi at Cholo. Pasan-pasan ni Jodi si Cholo! Eventually, napagod na si Jodi, so si Cholo naman ang nagpasan kay Jodi.

Napadaan sila sa isang restaurant. Nagyaya na naman si Jodi kumain. Pero ayaw pa rin ni Cholo kumain, at idinahilan niya na kailangan daw mag-diet ni Jodi. Pero hindi pumayag si Jodi dahil gutom na gutom na raw siya. So gumawa na naman ng bagong dahilan si Cholo at sinabing parang nasusuka raw siya, kaya kailangan daw niyang magpahinga. So pumasok silang dalawa sa inn na tinutuluyan ni Cholo.

Pagpasok nila sa kuwarto ni Cholo, binuksan nila ang ilaw. Laking gulat nila nung nakita nila na may masasarap na pagkain na nakahain sa mesa! Nabasa ni Cholo ang isang message sa isang maliit na papel, at nalaman niya na nanggaling pala kay Mr. Jang ang pagkain. “Wow!! Ang sarap ng dinala niya!!”, sabi ni Jodi. Kaya napasigaw si Cholo, “Kainan na!!”.

Maraming nakain si Cholo na pagkain. Nagtaka tuloy si Jodi dahil ang sabi ni Cholo kanina lang ay nasusuka siya kaya hindi makakain, and yet marami siyang nakain. Nagsuspetsa si Jodi na baka nagsisinungaling lang si Cholo. Pero sabi ni Cholo na huwag na raw magtanong si Jodi. Then sinabi ni Cholo na malalaman daw ang halaga ng isang bagay kapag nawala na ito sa kanya. Tinanong ni Jodi kung bakit bigla na lang nasabi ni Cholo yon. “Wala lang”, sabi ni Cholo.

Then pinalabas ni Cholo kay Jodi ang empty gift box. Then pinakita ni Cholo ang kanyang kamaong walang laman. Alam na raw ni Jodi ang ibig sabihin nun: pag-asa. Then sinabi ni Cholo na hangga’t may buhay ay may pag-asa, kaya huwag daw siyang mawawalan ng pag-asa.

(more…)

Posted by Perry Valdez at 7:33 am | permalink | comments[33]

WAV tones to be posted soon!

March 17, 2005

Hi! Sa bahay namin, gumagawa ako ng WAV tones ng mga popular songs (like STH OST’s), para mailagay nyo sa cellphones nyo if they’re WAV capable. Gusto ko sanang i-post na ang mga WAV tones ko, kaya lang feeling ko, napakalaki ng sizes ng WAV tones na nagawa ko. Yung chorus lang ng Bogoshipda ay inabot pa ng 7 MB!! May alam akong ways kung paano pa paliliitin ang mga file sizes, kaya lang….

…Wala pa akong idea kung ano ang acceptable size para sa isang WAV tone. Okay lang ba sa inyo ang WAV tone na 4 MB? Sabi naman ng officemate kong si Brian, ang acceptable size daw para sa kanya ay not more than 1 MB. But I’m very aware that the smaller the file size, the lesser the quality of the sound.

Kayo, anong maipapayo nyo sa akin? What do you think is an acceptable size for WAV tones? You may comment on my post, or post your answers to my tagboard.

Yun lang po! :)

Posted by Perry Valdez at 12:41 pm | permalink | comments[24]

Stairway To Heaven: Recap

Sa isang restaurant, nagkita ang tatay ni Tristan at ang leader ng grupo ng sindikatong bumugbog sa kanila noon. Nagbayad na ng utang ang tatay, pero hindi pa raw sapat ito, sabi ng leader. Interest lang daw kasi ang binayaran ng tatay. Hindi makapaniwala ang tatay sa sinabi niya. Then binigyan siya ng leader ng limang araw lang para magbayad. After umalis ng grupo, napaiyak ang tatay.

Pero maya maya, nagpunta ang isang waiter doon sa tatay ni Tristan, at sinabi na may naghihintay daw na tao sa kanya. So nagpunta at pumasok ang tatay sa isang kuwarto (apparently isang “guest room” or something) at nakita niya ang taong naghihintay sa kanya. Si Maita pala yon! Kinumusta ng tatay si Maita, at baka nami-miss na raw siya ni Maita. Hanggang ngayon ay nagagandahan pa rin ang tatay kay Maita.

Then sinabi ni Maita na bibilhin daw niya ang painting ni Tristan. Nag-disagree ang tatay dahil hindi na raw nagbebenta ng painting si Tristan. Nagtaka din ang tatay sa biglang pagkakaroon ni Maita ng interes sa paintings. Sabi ni Maita na may malaking pera daw sa painting ni Tristan. Pag ayaw pa rin daw ng tatay na ibenta ang painting ni Tristan, pupuntahan daw ni Maita mismo si Tristan at doon siya mamimilit. Naghinala ang tatay na may connection si Maita sa mga sindikatong bumugbog sa kanya at kay Tristan. Sabi ni Maita na wala raw siyang pakialam kung bugbugin pa si Tristan ng mga sindikato, basta ang importante ay makuha niya ang painting. Nagalit ang tatay at sinabing nababaliw na raw si Maita.

Pero nag-iba ng technique si Maita para kumbinsihin ang tatay. Bigla siyang naging seductive at mukhang tine-tempt niya sexually ang tatay. Then hinipo ni Maita sa mukha ang tatay ni Tristan. Sinabi ni Maita na bibilhin daw niya ang painting after one week, at nangakong babayaran niya siya. Pero reluctant pa rin ang tatay. Kaya pinairal na naman ni Maita ang kanyang panunukso at naghubad siya ng pang-itaas; halos natira lang ang bra niya. Then sabi ni Maita, “Di ka ba naiinitan?”

(more…)

Posted by Perry Valdez at 9:50 am | permalink | comments[21]

Stairway To Heaven: Recap

March 16, 2005

Nagpunta sina Cholo at Jodi sa isang soccer field. Naglaro silang dalawa. Ang galing mag-soccer ni Cholo! Panay ang pagpapatalbog ni Cholo ng bola sa ibabaw ng ulo niya nang ilang ulit at hindi nagmimintis.

Inaagaw ni Jodi ang bola, pero hindi niya ito maagaw kay Cholo. In desperation, hinila ni Jodi ang jacket ni Cholo hanggang sa matanggal ito sa kanya, habang inaagaw ni Jodi ang bola. Nagkatuwaan silang dalawa.

Then maya maya, pinatayo ni Cholo si Jodi sa harap ng soccer goal (yung may malaking net). Then inutusan ni Cholo si Jodi na harangin ang bola para hindi makapasok sa goal. Sinabi ni Cholo na sisipain niya ang bola papunta sa kaliwa, kaya dapat din daw itong puntahan ni Jodi sa kaliwa para maharang ang bola. Next, sinipa nga ni Cholo ang bola pakaliwa, pero nagkamali si Jodi at pumunta siya sa kanan, kaya di niya tuloy naharang ang bola. Natawa si Cholo.

Later on, nagpalit ng puwesto sina Cholo at Jodi. Si Cholo naman ang nasa harap ng goal. Sinabi ni Jodi na sisipain niya pakanan ang bola, kaya dapat daw puntahan din ito ni Cholo sa kanan. And so sinipa nga ni Jodi ang bola, pero niloko niya si Cholo at pinapunta ang bola sa kaliwa imbis na sa kanan. Si Cholo naman ay nagpunta sa kanan dahil sa naunang utos ni Jodi, kaya hindi tuloy naharang ni Cholo ang bola. Pinagtawanan ni Jodi si Cholo dahil madali raw siyang mauto. Then inulit nilang dalawa ang kanilang setup, with Cholo still in front of the goal and Jodi about to kick the ball. Sinabi naman ni Jodi na sisipain niya pakaliwa ang bola. Then inabangan ni Cholo ang bola. Pagsipa ni Jodi ng bola, hindi nagpunta sa kaliwa si Cholo, dahil naisip niya na niloloko lang siya ni Jodi. Instead, nagpunta siya sa kanan. Unfortunately for Cholo, papunta nga sa kaliwa ang bola just like Jodi said. Kaya ayan tuloy, hindi na naman naharang ni Cholo ang bola.

(more…)

Posted by Perry Valdez at 1:29 am | permalink | comments[8]

Stairway To Heaven updated lyrics

March 15, 2005

Hi folks! May bagong lyrics na naman ako ng STH songs. Ilalagay ko rito ang kanilang lyrics. But before that, pronunciation guide muna:

Pronunciation guide: Use Tagalog pronunciation for all the letters, except:

u - Like “OU” in the English word “young”.

uh - Like “OU” in the English word “young”.

oo - Like “U” in the English word “put”.

eu - Japanese U: Pronounce the Tagalog vowel “U” without rounding your lips.

Heto na ang mga songs mismo:

========


Cheongukui Ki-eok

by Jang Jung Woo

(Acoustic guitar intro)

(Stanza 1)

danhanbunirado nareul barapwa

ma-eumsoge jogeumanal deuryuhbonejwuh

nega wuhhaneun-gun  hanabooninde

unjena nun na-egeneun chungooginika

(Stanza 2)

dareunsaramchurum muhli-inneunul

amoori nan jabapwado manjilsoo uhpsuh

uhdoomsoge kooneun seulpeun koomchurum

ke-analsoo unneun sarang pooniji

(Refrain)

jal moshinjool aljiman

mani nul katko shipuh

muhlisuh nul jikyuh boneun-gun

sara-isuhdo joogeumkateun-gul

(Chorus)

duhnagajima nareul buryuhdoojima

isoonkanman negyuhte isuhjwuh

ajin nama-inneun nesarang-i

weropji anke nuh-yi noonsoge nareul damajwuh

jogeumirado ajoo jogeumirado

nemameul kanjigejoondamyun

dashi-iruhpurin ki-uhksoge noonmoori nado

yung-wuhni nareul saranghe

(Instrumental)

(Repeat Refrain)

(Repeat Chorus)

===========================


Keugeonmaneun 

by Park Mook Hwan

(Sax and piano intro)

(Stanza)

dan hanbundo shitji anhatji

nuh-wa hamke shetdun shi-andeul

neh ma-eumeun nuhreul shanghesuh

kutyuh purinkut kata

(Refrain)

dashi doragal soo shitdamyun

keuden nuhreul boneji anhiteulden-she

keu-hooron amoo yaksokdo motanche

jakoo murujyuh kamyun nareul utduk-he

(Chorus)

ama nun nema-eum da algo shitdago

keuruhke mitko shipuna

duh maneunshiguni heureundweye ooseum ji-eumyuh

nun mian-hesutdago mare joolkuh-ya

ijen nayi modeun seulpeumeul ji-oolke 

hengbokan ki-uhksok euro

unjena ne-ane sara-inneun nuh jikimyuh

dashi dora ol nulkidaryuh

(Guitar Solo)

(Repeat Refrain)

(Repeat Chorus)
Posted by Perry Valdez at 1:29 am | permalink | comments[9]

Stairway To Heaven: Recap

Meanwhile in the office, nagtutulungan sina Cholo at ang kanyang alalay sa pag-aasikaso ng mga final transactions left. Si Jodi naman ay nakaupo sa sopa, naghihintay kay Cholo.

Then dumating si Cholo sa puwesto ni Jodi at hinaplos ang ulo ni Jodi.

Jodi: May kailangan ka ba?

Cholo: Gutom na ako, may pagkain ka ba?

Jodi: Gusto mong i-order kita?

Cholo: Sige.

Then nagsipasok na ang alaala ng mga nakaraan nilang dalawa — nung mga bata pa sina Cholo at Jodi at nakaupo sa gilid ng sahig ng carousel, nung tumatakbo si Cholo para habulin ang bus na sinasakyan ni Jenna, nung nagbalik na ang alaala ni Jodi at hinahabol niya si Cholo sa loob ng mall, nung engagement night nina Cholo at Eunice kung saan in-Indian ni Jodi si Cholo, nung mga eksena nina Jodi at Cholo sa clinic, etc. At this point, tumutugtog sa background ang Bogoshipda.

Ang huling pinakitang memorya nila ay nung nagpunta si Jodi sa carousel nung gabing yon nang mangiyak-ngiyak:

“Cholo, pasensya ka na. Nang dahil sa akin, nahihirapan ka.”

Nang bigla na lang na may laser light na pinasinag ni Cholo sa pader na may painting. May nakalagay na “laser light message” sa laser light: “Ganyan nga Jodi, ngumiti ka lang”.

Later in the office, kinausap si Cholo ng kanyang alalay na si Mr. Jang. Concerned ang kanyang alalay sa magiging kapalaran ng branch ng company nila sa Japan. Bahala na raw ang papalit sa kanya, sabi ni Cholo. Then nag-alala ang kanyang alalay na baka mapabayaan lang ang company nilang yon. Okay lang daw yon, sabi ni Cholo, at nagpasalamat siya sa kanyang alalay.

Then mukhang nag-eempake na to the last drop si Cholo. Binigay niya sa kanyang alalay ang kanyang ATM card at credit card, pati na rin ang susi ng kanyang kotse.

Cholo: Hindi ko na kailangan yan, pero mami-miss ko kayong lahat, lalo na ikaw. Salamat sa sakripisyo.

Alalay: Walang anuman.

Then nagyakapan silang dalawa. Makikita nyo at mafi-feel na very close friends silang dalawa sa kanilang yakapan. Namamaalam na si Cholo.

Cholo: Alam mo, Mr. Jang, kulang na lang sa atin ay naging ama kita.

Alalay: Nandito ako para sa iyo.

Cholo: Alagaan mo si Mommy.

Then umalis na ang alalay sa office.

Tiningnan nang sandali ni Cholo ang kanyang “name plate” na may pangalan niya at position bilang president. Then itinaob niya ito sa ibabaw ng kanyang mesa.

(more…)

Posted by Perry Valdez at 1:12 am | permalink | comments[8]

More Jodi and Eunice pics

March 14, 2005

Thanks very much to izce for all these pictures.

Here are some additional pics of Choi Ji Woo (”Jodi” of STH) and tons of Kim Tae Hee (”Eunice” of STH).

Choi Ji Woo

Choi Ji Woo gallery

Kim Tae Hee

Kim Tae Hee gallery

Enjoy! :)

Posted by Perry Valdez at 4:31 pm | permalink | comments[13]

My tagboard is overflowing! :-)

Hello to you all! :) Sorry kung wala akong masyadong communication sa inyo for the past few days, nagkasakit kasi ako eh.

Anyway, thank you very very much sa walang sawa nyong pakikipag-chikahan sa tagboard ko. :) Ang dami-dami na ngang contents eh. The older tagposts are not visible at all dahil hanggang 15 most recent tagpost lang ang kayang i-display ng munting tagboard ko.

But there is still a way for you to see all the contents of my tagboard since Day 1. Just go to my tagboard archives, and you’ll get a listing of all tagposts so far, arranged from newest to oldest post.

Thanks uli sa inyo ha? :)

Posted by Perry Valdez at 12:38 pm | permalink | comments[11]

Stairway To Heaven: Recap

March 12, 2005

Si Jodi ay naiwan sa bahay, kaharap sina Maita, Eunice, at ang tatay niya. Earlier, lumabas si Cholo para umuwi.

Nagpaliwanag si Jodi kina Maita na kaya hindi niya nasabi ang tungkol sa kanila ni Tristan ay dahil ayaw itong pasabi ni Tristan. At hindi raw puwedeng pag-isipan ng masama si Tristan dahil si Tristan lang daw ang nag-alaga at nakasama niya nung mga panahon na may amnesia siya. Pero pinagdududahan kunwari siya ni Maita. “Sigurado ka bang yan ang sinabi ni Tristan?”, sabi niya. Pero nainis na si Jodi sa attitude ni Maita. “Anong gusto mong palabasin? Na sinungaling ako??”, sabi ni Jodi. Nasabi din niya na magagaling daw silang magpanggap.

Umeksena si Eunice: “Akala mo ba, maniniwala pa sila?” Then sinabihan ni Eunice si Jodi na huwag na raw siyang manggugulo sa kanila at lumayo na kay Cholo. Pero nag-reply naman si Jodi na si Eunice daw talaga ang nanggugulo, at ganyan na raw ang ginagawa ni Eunice ever since nung bata pa sila.

Then pinanindigan ni Jodi ang kanyang pag-ibig kay Cholo. “Ipaglalaban ko ang pag-ibig ko! Dad, ipaglalaban ko ang pag-ibig ko, kahit ayaw nyo.”

Umeksena na naman si Maita, at nagpanggap na parang wala siyang kinalaman sa mga nangyayari. “Bakit ganito? Ba’t nangyayari sa atin ito??”, sabi niya. Nagsalita na rin ang tatay ni Jodi, “Kailangan nating makita si Tristan. Kailangang ipaliwanag niya ang lahat nang ito.” Biglang natakot sina Maita at Eunice dahil ayaw nilang mangyari na magtapat si Tristan sa kanilang lahat, so nag-attempt si Maita na i-sway ang kagustuhan ng kanyang asawa. “Mapapatawad mo ba si Tristan?”, sabi ni Maita sa asawa niya. Pero nagdesisyon na ang tatay ni Jodi: “Basta gusto ko munang marinig ang mga sasabihin niya”.

Nakahiga na si Jodi sa kama sa kanyang kuwarto. Hinaplos niya ang isang painting ni Tristan. “Tristan, kahit nasaan ka man ngayon, sana maging masaya ka na. Ayokong malungkot ka.” Naluluha si Jodi.

Then pumasok naman sa kuwarto niya ang tatay niya. Lumapit ang tatay niya at hinaplos ang kanyang noo habang nakahiga. “Jodi, okay ka lang?”, tanong ng tatay. “Opo”, sabi ni Jodi. Then maya maya, nagyakapan silang dalawa. “Sorry po, daddy”, sabi ni Jodi habang umiiyak.

Sina Eunice naman at si Maita ay nag-usap. Kinakabahan si Eunice dahil ayaw niyang umuwi sa kanila si Tristan. Pero confident naman si Maita dahil siya na raw ang bahala kay Tristan, at sisiguraduhin niyang mabubulok si Tristan sa kulungan. Nag-alala naman si Eunice kung paano naman ang gagawin nila kay Cholo. Sabi naman ni Maita na si Cholo ay kontrolado naman ng mommy niya, kaya huwag daw mag-alala si Eunice.

Then after that, tinawagan ni Maita ang nanay ni Cholo na si Sol. Nag-iyak-iyakan si Maita at ikinuwento niya ang tungkol sa mga plano ni Cholo kay Jodi.

(more…)

Posted by Perry Valdez at 1:20 am | permalink | comments[12]

Stairway To Heaven: Recap

March 11, 2005

Iniwan ni Jodi si Cholo sa clinic, then dali dali siyang tumakbo papunta sa terminal ng old-style na tren — the same train na sinakyan ni Tristan.

Sa loob ng tren, naglakad si Jodi at humanap ng upuan. Hindi niya napansin na nadaanan na pala niya ang puwesto ni Tristan. Tapos, naupo pa si Jodi sa likod mismo ng puwesto ni Tristan, kaya ang position nila ngayon ay back-to-back na sa upuan. Hindi sila aware sa presence ng isa’t isa.

Nagising din si Cholo at napansin na wala na si Jodi sa clinic. Kaya lumabas siya kaagad ng clinic at hinanap si Jodi.

Nakita ni Cholo ang tren na paalis niya. Pero napansin ni Cholo na si Jodi na pala ang nakaupo sa tapat ng isang bintana. Bumibilis na ang takbo ng tren.

Tumakbo si Cholo at pilit hinabol ang tren. “Jodi!! Jodi!! Jodi!! Jodi!!!”, sigaw niya sa tapat ng bintana kung saan nakapuwesto si Jodi. Napansin din ni Tristan si Cholo na humahabol sa labas.

Pero mas matulin talaga ang tren kaysa sa takbo ni Cholo, kaya naiwan din si Cholo eventually. Sumakay kaagad si Cholo sa kanyang kotse para habulin ang tren.

Umiiyak si Jodi sa loob dahil aware siya na hinahabol siya ni Cholo sa labas ng tren. Naramdaman naman ni Tristan na nasa likod lang niya si Jodi, kaya lumingon siya sa likod at nakita nga si Jodi.

Meanwhile, matulin ang pagpapatakbo ni Cholo ng kanyang kotse. Determinado si Cholo na habulin ito.

(more…)

Posted by Perry Valdez at 2:18 am | permalink | comments[6]

Audio and Video Page

March 10, 2005

Hi guys! :)

This page is no longer active. Please go to my Music Gallery instead.

Enjoy! :)

Posted by Perry Valdez at 12:28 am | permalink | comments[933]

Stairway To Heaven: Recap

Si Cholo ay currently nasa reunion party kasama ni Eunice. May mga foreigners din na present sa party. Nagkakasiyahan silang lahat.

Maya maya, lasing na si Cholo. Tumungtong siya sa ibabaw ng mesa at nagkakakanta to impress the rest of the people in the party. At this point, tumutugtog na ang humming song na Namanui Neo ni Kim Hyun Ah.

Sa party, niyakap pa ni Cholo si Eunice.

Later on, parehong sumakay sina Cholo at Eunice sa elevator para makauwi na. Pero hindi pinapansin ni Cholo si Eunice. Nakatitig lang siya sa kawalan, malungkot.

Meanwhile, sa bahay ni Tristan, dino-drawing ni Tristan si Jodi sa kanyang canvas habang natutulog si Jodi.

Back to Eunice and Cholo, hinatid ni Cholo si Eunice sa bahay. Then tinanong ni Eunice kung nag-enjoy ba naman si Cholo sa party. Tahimik lang si Cholo. After that, lumakad na si Eunice papunta sa gate ng bahay habang nakangiti niyang kinakawayan niya si Cholo sa kotse.

Malungkot si Cholo sa loob ng kotse, tila may iniisip na malalim. Then nag-play ng cassette tape si Cholo. Heto ang ni-record niyang message kay Jodi nung bata pa sila. Sa tape na ito, maririnig niyo na inamin ng batang Cholo na may gusto siya kay batang Jodi, ngunit nahihiya pa siyang aminin. “I love you Jodi!”

Then bigla na lang niyang pinaandar ang kotse niya sa highway nang matulin. Mukhang nag-aalala si Cholo at may gusto siyang puntahan. Determinado si Cholo.

(more…)

Posted by Perry Valdez at 12:05 am | permalink | comments[17]

     

March 2005
M T W T F S S
« Feb   Apr »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

Sponsored Links

About Me

Perry is a computer programmer, a music enthusiast, a book worm and a couch potato.

He's currently residing in Pasig City, Metro Manila, Philippines.

(May pa-third person effect pa! :-P )

    

Multimedia Gallery

Tagboard

Zebra Nike Dunk:

[url=http://www.zimbio.com/Shoes+And+Fashion/articles/Vh9QsBy9AZH/Zebra+Nike+Dunk+X+Giraffe+Print+Nike+Dunks]Zebra Nike Dunk[/url]

black nike dunk:

much for all your post

Gunung Berapi Bawah Laut:

thank

watch salt movie online:

Nice Blog :) sharing angelina jolie new movie “salt”

Latest Movies Online:

Just Dropping By. Keep it up blogger. Just Sharing my Latest Movies Online Blog.

MBT Shoes:

However,the winner was wearing MBT Shoes and finished the race in 17:00 fan, Nestor, ran in the race and Prada Sneakers shared this excellent report with us: Nestor’s report on the first-ever MBT kisumu 5K race I recently participated in the “Five Fingers 5k”in Johnson City, TN hosted by Mahoney’s,New Vibram Five Fingers,aerobic shoes, a diverse local outdoor
retailer(think REI combined with a Bass Pro Shop).Combined with typical“deep south”weather (read high heat/humidity), MBT Baridi made for a particularly unique 5k race.Of the total participants, 15(including myself) were Gucci shoes.MBT Fora was open to all runners, regardless of footwear.Amazingly, there was only one female in the bunch sporting peach/chili Classics five finger.MBT Kimondo was a relatively small race, with 89 participants, NBA Shoes mostly locals.

MBT Shoes:

However,the winner was wearing [url=http://www.mbts-us.com/][b]MBT Shoes[/b][/url] and finished the race in 17:00 fan, Nestor, ran in the race and Prada Sneakers shared this excellent report with us: Nestor’s report on the first-ever [url=http://www.mbts-us.com/mbt-kisumu-sandals-c-43.html][b]MBT kisumu[/b][/url] 5K race I recently participated in the “Five Fingers 5k”in Johnson City, TN hosted by Mahoney’s,New [url=http://www.mbts-us.com/vibram-five-fingers-c-36.html][b]Vibram Five Fingers[/b][/url],aerobic shoes, a diverse local outdoor
retailer(think REI combined with a Bass Pro Shop).Combined with typical“deep south”weather (read high heat/humidity), [url=http://www.mbts-us.com/mbt-baridi-shoes-c-49.html][b]MBT Baridi[/b][/url] made for a particularly unique 5k race.Of the total participants, 15(including myself) were Gucci shoes.[url=http://www.mbts-us.com/mbt-fora-shoes-c-50.html][b]MBT Fora[/b][/url] was open to all runners, regardless of footwear.Amazingly, there was only one female in the bunch sporting peach/chili Classics five finger.[url=http://www.mbts-us.com/mbt-kimondo-shoes-c-51.html][b]MBT Kimondo[/b][/url] was a relatively small race, with 89 participants, NBA Shoes mostly locals.

funny youtube videos list:

watch free funny youtube videos list

white nike dunk:

White Nike Dunkoutlet online

white nike dunk:

White Nike Dunkoutlet online

white nike dunk:

White Nike Dunkoutlet online

white nike dunk:

White Nike Dunk

white nike dunk:

White Nike Dunk

white nike dunk:

White Nike Dunk

white nike dunk:

White Nike Dunk

panz:

any new gossip about gianna jun??hehe

Funny Youtube Videos:

So nice that i stumbled on your site.. :)

funny video compilation:

Watch free funny video compilations

wanted textmate:

nice blog. exchange link po tau. www.textmate.tk

Mayweather vs Pacquiao:

Mayweather vs Pacquiao Fight, News and Updates

Leave a message ▼