Heto pa ang ibang pics ni Kwon Sang Woo (”Cholo” of Stairway To Heaven) during his unexpected visit here in the Philippines. Nakuha ko sa PinoyExchange.com forums.


Heto naman ang personal experience mismo ni Jolina Magdangal, as quoted in the PinoyExchange.com forums:
===
HAPPY FIESTA NA ITO!!!!!
Nakaharap ko si Kwon Sang Woo known as CHOLO in Stairway To Heaven.. hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na wala man lang akong nagawa.. natulala ako at nanigas!
Ganito ang nangyari.. nasa Westin Plaza Hotel ako kagabi kasi may show ako sa World Trade. Nung nasa lobby ako naghihintay sa gamit ko.. may pumasok na matangkad na Koreano.. di ko sya sinadyang tignan.. napaikot lang tingin ko at tumama sa Koreanong ito. Parang slow motion ang moment na yun.. natitigan ko sya at natulala ako.. ang nasabi ko lang.. “Mommy si Cholo!” Natawa si Mommy sakin at si Daddy.. sabi nila.. “Ano ka ba?? Mga Koreano magkakamukha.. kahawig lang yun.” Sabi ko.. “Hindi!! Sya talaga yun!” Sinubukan namin syang lapitan sa front desk pero ang bilis nyang lumakad. Naabutan namin sya at yung lalaking kasama nya na parang body guard nya sa elevator.. Nung una.. tumatalikod sya at parang tinatago yung mukha pero nung unti unti nang humaharap.. ako naman ang humiwalay ng tingin kasi nahihiya ako.. maya maya.. sinabi na nina Mommy na “NAKU.. SYA NGA!” Gusto ko nang itanong sa kanya kung sya nga si Kwon Sang Woo.. papakita ko sana wall paper ng cell ko.. pero nung gagawin ko na.. lumabas na sya sa elevator. Napaupo nalang ako.
Nung una nilalagay ko nalang sa utak ko na baka nga kamukha lang.. kasi bakit walang kabali-balita na nandito sya.. pero may nagsabi sakin na taga GMA na nandito nga daw sya pero secret lang kasi nagbakasyon.. at ayaw talaga pa-interview.
Hanggang ngayon.. natutulala parin ako!!
===
Paniguradong maraming nangangarap sa atin ngayon na mistulang mga Jodi’s and Eunice’s na sana nakita rin nila si Cholo dito sa Pilipinas.
Naka-news sa GMA Network’s 24 Oras na nagpunta si Kwon Sang Woo (”Cholo” of Stairway To Heaven) dito sa Pilipinas nang wala man lang announcement ng kanyang visit. Binisita niya ang Pilipinas by surprise. Then nabanggit din sa news na nakasabay daw ni Jolina Magdangal si Kwon Sang Woo sa elevator sa isang hotel, pero wala man lang daw nagawa si Jolina para dito, ni di man lang siya nakunan ng picture. Nakita rin siya sa NAIA airport at marami daw ang nakipag-autograph sa kanya.
![]()
Merong mga naka-witness ng pagbisita ni Kwon Sang Woo dito sa Pilipinas, at kinuwento ito sa Tsinoy.com forum. In particular, may isang dubber na naka-witness sa pagdating ni Kwon Sang Woo. Kagagaling lang daw ng Boracay si Kwon Sang Woo; he had just flown in around 7:00 pm. Nagpunta daw siya sa Hae Song Restaurant sa Jupiter Street in Makati, at may ka-meet daw siyang ilang mga Korean businessmen. Medyo mahaba na raw ang buhok niya, at nakasuot ng bonnet at navy blue shirt and (jogging?) pants. (Naka-sandals din daw siya, sabi naman sa 24 Oras)
Umalis na raw kaagad si Kwon Sang Woo early morning the next day. Apparently, the “next day” is this day (February 25, 2005).
In related news, ewan ko lang kung narinig nyo na dati ito, pero dumating din dito sa Pilipinas si Song Hye Kyo (”Jenny” of Endless Love 1: Autumn In My Heart, “Jessie” of Full House) at nagbakasyon sa Boracay, one year before Endless Love was shown here in the Philippines. May pictures din ako nito dati. Kahit si Lee Wan (young Tristan of STH) mismo ay nagpunta dito sa Pilipinas last year para mag-shoot ng isang commercial (TV ad), many months before STH was shown here.
Naglakbay na sina Cholo, Eunice at Jodi pauwi, sakay ang kotse. Nasa harap si Eunice at nasa backseat si Jodi. Kinausap ni Cholo si Eunice na dapat maganda siya sa engagement. Pero hindi nakatingin si Cholo kay Eunice. Nakatingin siya kay Jodi via the back mirror.
Then tumigil na ang kotse at nagbabaan na silang tatlo. Nagtaka si Eunice kung bakit parang bumait si Cholo sa kanya, kung ito ba ay dahil kay Jodi. Then nagpaalam na sa kanila si Jodi para makaakyat na sa bahay, apparently parang bitter pa rin si Jodi dahil sa pagkakasagutan nila ni Cholo sa loob ng bar earlier. Pero pinigilan siya ni Cholo, at naglabas ng mga regalo. Binigyan ni Cholo si Eunice ng regalo. Tuwang tuwa si Eunice. Binigyan din ni Cholo si Jodi ng regalo. Tinanggap ito ni Jodi pero parang reluctant siya. Then nagpaalam na si Cholo sa kanila at umalis.
After that, bigla na lang tumakbo si Eunice papunta kay Jodi at kinuha ang regalo niya. Binuksan ni Eunice ang regalo ni Jodi. Wala pala itong laman! Empty box lang siya. Binuksan naman ni Eunice ang regalo niya, at nakita niya ang laman nito na isang set ng kuwintas at hikaw. Tuwang tuwa si Eunice. Nagsi-uwi na silang dalawa.