Pumasok na uli si Cholo sa bahay sa beach. Then niyaya ni Cholo si Jodi na umuwi na sa kanyang totoong bahay (na bahay din nina Eunice, Maita at Tristan). Pero ayaw pang umuwi ni Jodi dahil hindi pa raw siya handa. Nagpumilit si Cholo na pauwiin na si Jodi, dahil limang taon na raw naghihintay sa kanya ang mga tao sa kanila.
Jodi: Cholo, mahal mo ba ako? Sagutin mo ako… Di natin basta puwedeng gawin ito. Maraming tao ang masasaktan. Paano na si Eunice? Ikaw na ang nagsabi, limang taon na ang nakalipas. Hindi natin basta puwedeng bale-walain ang mga nangyari. Magkaiba na ang sitwasyon natin ngayon. Cholo, sana maintindihan mo ako…
Cholo: Sino ba ang may sabing magkakabalikan tayo? Wala naman akong sinabing mahal kita, ah? Tara na, uwi na tayo!
(Pero apparently, parang nire-”reverse psychology” lang ni Cholo si Jodi para lang makumbinsi niya siya na umuwi.)
Meanwhile, sa bahay nina Eunice, nandun si Eunice sa kama niya. Biglang nag-ring ang cellphone niya. Tumawag si Tristan, at sinabi ni Eunice na alam na raw ni Cholo ang lahat ng nangyari, at magbabalik na si Jodi sa bahay. Then maririnig nyo naman sa cellphone ni Tristan ang malakas na sigaw ni Eunice, as if na-high blood at nagpa-panic. Pero ginawa lang daw ito ni Tristan dahil ayaw niyang nahihirapan si Jodi.