Sa loob ng van, hinawakan ni Tristan ang kamay ng natutulog na si Jodi, at tinanggal niya ang engagement ring sa daliri ni Jodi. Napapaiyak si Tristan habang tinatanggal niya ito. Kinuha ni Tristan ang kanyang four-leaf clover (yung maliit na bulaklak) at inipit ito sa cellphone ni Jodi. (Tumutugtog ang Cheongukui Ki-eok ni Jang Jung Woo.) Iyak ng iyak si Tristan. Then lumabas na siya ng van dala dala ang mga sariling gamit niya, at nagsalita: “Sana maging masaya ka. Mahal kita Jodi.” Hinalikan ni Tristan si Jodi sa bandang tagiliran ng ulo, malapit sa noo.
Dumating din sa wakas ang kotse ni Cholo. Tumakbo naman nang tumakbo si Tristan palabas ng van at papunta sa direksyon ni Cholo, dala dala ang kanyang mga gamit. Nadaanan ni Tristan ang kotse ni Cholo. Nakita ni Cholo si Tristan na tumatakbo, pero hindi niya napansin kung sino.
Naluluha si Cholo. Nakatingin siya sa van ni Tristan. Alam niya na nandun si Jodi sa loob.