Continuing from the last episode, nung pinakikinggan ni Cholo ang voice message ni Jodi, lumabas na kaagad ng inn si Cholo matapos niyang mapakinggan ito. Madaling araw nung mga oras na iyon.Hinanap ni Cholo si Jodi sa kung saan saan. Maya maya, nakita niya si Jodi na bumababa ng underpass.
Then later on, nakita ni Jodi si Tristan, may bandage sa ulo, dala dala ang kanyang van. Pinuntahan ni Jodi si Tristan upang makisakay sa van niya, pero hindi siya pinansin ni Tristan.
Jodi: Basta mo na lang ba ako iiwan nang ganito? Tara na at sasama ako. Tristan, saan ka pupunta? Punta tayo sa tabing dagat, okay ba?
Nag-aalangan si Tristan pero bumigay din bandang huli, as if naaawa siya kay Jodi.
Tristan: Sige na.
Jodi: Basta pangako mo na wala kang ililihim sa akin, dahil gusto ko nang simulan ang bagong kabanata ng buhay ko. Okay?
Tristan. Okay!
Pero halos hindi makatingin si Tristan kay Jodi. Apparently, nagi-guilty si Tristan.
Meanwhile, napatunganga na lang si Cholo sa tabi ng rehas ng underpass…
Maya maya, habang naglalakbay sila sakay ng van, nakatulog na sa loob si Jodi. Malungkot naman si Tristan habang nagmamaneho. Hinaplos niya ang pisngi ni Jodi.
Then nagpreno muna pansamantala si Tristan, at ginising si Jodi. “Jodi, gumising ka muna. Heto…”, and then pinainom ni Tristan si Jodi ng stimulant drink (”Red Bull”) para magising pansamantala.
Then sinabi ni Jodi kay Tristan, “Tristan, pag malapit na tayo sa dagat, gisingin mo na ako.”. Sumagot si Tristan, “Oo, sige, matulog ka na.”
And then habang nagmamaneho si Tristan, unti-unti na siyang napapaiyak, at kinausap niya si Jodi as if gising pa rin siya: “Jodi, Jodi. Sorry, sorry. Hindi ko dapat pinagkait sa iyo ang buhay mo. Di ko dapat ginawa yon. Ang tanging iniisip ko lang ay ang sarili ko, hindi ang kapakanan mo…Ang akala ko ay magiging masaya ka sa piling ko. Pero hindi, hindi ka naging masaya dahil niloko lang kita. Jodi, hindi ako karapat-dapat sa iyo, wala akong kuwenta. Sorry Jodi, sorry Jodi, … dapat kang lumigaya.”