Lumabas na ng inn sina Cholo at Jodi. Nagpalakad-lakad sila sa sidewalk, hanggang sa nakakita si Jodi ng turu-turo (sidewalk restaurant). Niyaya niya si Cholo para kumain doon.
Jodi: Ano ba, Cholo? Dito na tayo, masarap ang pagkain dito!
Pero ayaw ni Cholo kumain sa turu-turo. Apparently, di siya sanay kumain sa mga ganung klaseng lugar.
Makikita nyo na sine-serve doon ang “slimy” na bituka, hinahango mula sa kaldero. Mukhang nadidiri si Cholo.
Jodi: Uminom tayo! Di ka ba umiinom?
Cholo: Hindi.
Then uminom ng sabaw sina Cholo at Jodi. Ininom nila ito nang deretso mula sa bowl, walang kutsarang ginamit.
Jodi: Okay ka lang ba?
Cholo: Jenna?
Jodi: (Pabirong nagpanggap na katulong.) Yes, ano’ng kailangan mo?
Then ngumiti at halos tumawa na si Jodi.
Jodi: Magpaka-enjoy muna tayong dalawa! Kalimutan muna natin ang mga salot na problema! Minsan lang naman mangyari ito. Okay?
Then nagsubuan silang dalawa ng pagkain.
Jodi: Masarap? Ayaw mo ang lasa, no? Rich kid! [Gusto mo ng] Isaw? Rabbit? Dalagang bukid?…
Nasarapan naman daw si Cholo, then sabay order siya ng fried chicken!
Naglakad uli silang dalawa sa sidewalk. Pero maya maya, hindi na maganda ang nararamdaman ni Cholo. Mukhang kumukulo ang tiyan niya! Parang gusto niyang magbawas! Minadali niya si Jodi sa paghahanap nila ng toilet. Lalabas na raw kasi!
Nagpunta sa public toilet sina Jodi at Cholo. Dalawang toilets ang nakita nila: isang pambabae at isang panlalaki, magkatapat ang locations nila. Pumasok ng toilet na panlalaki si Cholo, pero puno daw ang loob. Kaya doon na lang siya nagpunta sa toilet na pambabae!
Habang hinihintay ni Jodi si Cholo, naluluha na naman siya at niyakap ang hawak niyang jacket ni Cholo. Maya maya, nalaglag ang kuwintas ni Cholo mula sa jacket niya. “Cholo…”, ang sabi ni Jodi sa isip niya.
Maya maya, lumabas din si Cholo. (Parang hirap magbawas!)
Jodi: Nalaglag ang kuwintas sa coat mo.
Cholo: Na kay Jodi ang part nyan.
Jodi: Talaga bang nakalimutan mo na si Jodi?
Cholo: Hindi pa, kaya nga balak ko nang itapon ang kuwintas eh.
Jodi: Huwag muna! Saka mo na itapon kapag sigurado ka nang wala ka nang nararamdaman para kay Jodi. Malay mo, baka mamaya, bumalik pa siya sa iyo.
Mamaya, parang hindi na naman mapakali ang tiyan ni Cholo. Balik siya sa toilet ng mga babae!