Nag-eempake na si Jodi bilang paghahanda niya sa paglisan sa office. Natutuwa si Eunice. Nalulungkot naman ang friend ni Jodi.
Lumabas na si Jodi sa office. Sinundan naman siya ng friend niya. Sabi ni Jodi sa friend niya, “Basta pagbutihin mo ang trabaho mo.”. Sagot naman ng friend niya, “Mag-iingat ka.”
Naalala ni Jodi ang sinabi ni Cholo tungkol sa painting, na kaya pinalagay ni Cholo ang painting sa pader malapit sa carousel ay upang mapalapit siya sa kanya, dahil ang pagkakaalam ni Cholo ay nasa langit na si Jodi. At this point, tumutugtog na ang sad song na Bogoshipda.
Naglakad na sa sidewalk si Jodi, malungkot na malungkot. Samantala, minamanmanan naman siya ni Cholo na nakasakay sa kotse niya. Nakaparada lang din sa sidewalk ang kotse niya. Malungkot din si Cholo, halos nakatanaw sa kawalan.
Pinanood niyang sumakay ng bus si Jodi. Umandar na ang bus. Sinundan naman ito ni Cholo.
Pilit sinabayan ni Cholo ang bus, hanggang sa matapat siya sa puwesto ni Jodi sa loob ng bus. Makikita nyo si Jodi na malungkot at tulala sa loob ng bus, ni hindi man lang lumilingon. Si Cholo naman, tinitingnan lang niya si Jodi.
Kahit na mabilis na ang takbo ng bus, sinasabayan pa rin ito ng kotse ni Cholo. Side by side na umaandar sa kalye ang dalawang sasakyan.
Meanwhile, sa loob ng bahay, sumusulat si Tristan ng kanyang liham kay Jodi sa kapirasong papel. Sabi niya sa sulat na sana raw ay maalala siya ni Jodi sa buong buhay niya. Patuloy daw mamahalin ni Tristan si Jodi hangga’t tumitibok pa ang puso niya. Sana raw ay maging masaya si Jodi saan man siya mapunta, at patawarin daw siya ni Jodi sa mga kasalanan niya.
Then nilagyan ni Tristan ng maliit na bulaklak na “four-leaf clover” ang kanyang sulat at tinupi ang papel para maging isang paper plane. Matatandaan niyo na ito rin ang ginagawa ni Tristan nung bata pa siya pag gusto niyang padalhan ng love letter si Jodi.
Pero bigla na lang binuksan nang mapuwersa ang pintuan ng kanyang bahay. May isang grupo ng mga taong naka-itim na jacket na marahas na nagsipasok sa bahay niya, kasa-kasama ang tatay niyang nagkasugat-sugat sa bugbog ng mga ito. Inutusan ng leader ng grupo si Tristan na gumawa ng mga pekeng painting. Ayaw ni Tristan, kaya ang ginawa nila ay binugbog ang tatay niya. Then hinawakan nila si Tristan at pilit pa rin siya pinagagawa ng pekeng painting, ngunit sadyang matigas si Tristan at ayaw sundin ang mga utos nila. “Patayin nyo na ako, sige na, dahil kahit ilang beses nyo akong bugbugin ay hindi ako magpipinta para sa iyo!”, sabi ni Tristan sa leader. Kaya binugbog naman si Tristan. Then nagpumilit pa rin ang grupo na magpinta si Tristan or else ay may mamamatay. Ayaw pa rin ni Tristan. Kaya binugbog lalo si Tristan at pinalo nang pinalo ng bat, as if hine-hazing ng mga fratmen. Iyak ng iyak ang tatay. Maya maya, makikita nyo nang nakadapa si Tristan sa sahig at inaapakan ng mga bumubugbog ang kanang braso niya, doon sa bandang forearm. Madiin at mapuwersa nilang tinapakan ang forearm niya, as if gusto nila itong baliin nang tuluyan. Sumisigaw si Tristan sa sobrang sakit.