Naglakad si Charlie (Tristan) nang malungkot, palabas ng office. Nakita siya ni Eunice at tinawa siya, “Tristan! Tristan!” Then sinabi ni Eunice ang tungkol kay Jodi: “Alam na niya ba kung sino ang nakabangga sa kanya? Ang alaala niya, nagbalik na!”
Pero ikinatuwa ni Charlie ang pagbalik ng alaala ni Jodi, dahil pagod na pagod na rin kasi siya sa pagsisinungaling. Kinabahan si Eunice na baka isumbong siya ni Charlie. “Kuya, maawa ka naman sa akin! Please lang, huwag mong sabihin!”. Pero sinabi ni Tristan na may karapatan si Jodi na malaman ang lahat. “Dapat kaawaan si Jodi, dahil wala siyang kasalanan”. Then umalis na si Charlie. Si Eunice naman, takot na takot. “Tristan? Tristan!”
Meanwhile, si Jodi naman ay nakaupo sa sidewalk. Iniisip niya kung paano siya nabangga ng kotse noon at kung sino ba talaga ang bumunggo sa kanya. Then naluha si Jodi habang naiisip niya ang nakaraan. Naalala niya ang mga moments nung nakasakay sila ni Cholo sa bike. Ang mga moments nung nagpaalam na si Cholo sa kanya sa airport. Ang mga moments nila ni Cholo sa bus at sa bahay sa beach, nung nagka-amnesia na siya. Pati ang kabataan nila ni Tristan, na nagsabing “Ikaw ang unang taong nagpahalaga sa akin…Mahal kita, Jodi”. At ang mga moments nilang dalawa ni Charlie.
Then nag-ring ang kanyang cellphone. Nag-text si Charlie sa kanya. “Magkita tayo sa harap ng carousel — Tristan”. (Note that Charlie already used his real name, Tristan.) Nandun lang pala si Tristan sa isang terrace, tinitingnan si Jodi.