Naglalakad na sina Cholo, Eunce at mga alalay sa loob ng mall. Sinalubong nila ang mga guests of honor para sa painting congregation.
Meanwhile, nakita naman ni Maita si Charlie sa crowd. Parang galit na malungkot si Charlie. Medyo nag-alala naman si Maita.
Tumugtog na ang banda.
Nakita rin ni Jodi si Charlie (a.k.a. Tristan). Nakita rin niya si Cholo, kausap si Eunice. Malungkot si Jodi.
Meanwhile, patuloy na tumugtog ang banda…
Tinanggal na ang telang nakatakip sa painting sa wall malapit sa carousel. Pinakita nang close-up ang painting of God and the angels in heaven.
Umakyat sa stage ang isang alalay ni Cholo, nag-act as host. Binanggit niya ang pangalan ng painting, “Heaven”. Then tinawag niya si Cholo at pinaakyat sa stage.
Umakyat nga si Cholo, kasama ng mga mascots. Nagsimula na siyang mag-speech.
Sinabi ni Cholo sa speech na nangako raw siya dati na maglalagay daw siya ng painting sa loob ng mall. Ngayon daw ay katuparan ng kanyang pangako. Then pinakilala ni Cholo ang taong responsable sa painting, si Charlie Han.
Nakita ni Jodi si Charlie na umakyat ng stage. Lumuha si Jodi.
Sa speech ni Charlie, sinabi niya na ang painting niya ay larawan ng tunay na kasiyahan, dahil pansamantalang nagkaroon ng katuparan ang lahat ng pangarap niya sa buhay, na kahit kailan daw ay hindi naging kanya. Then habang nagsasalita pa siya, napalingon siya at nakita si Jodi sa second floor ng mall. Bigla siyang umalis ng stage at nagmadaling umakyat ng second floor para puntahan si Jodi.
Hinabol ni Charlie si Jodi.