Ang saya saya!! 
Sa loob pa rin ng disco house, nagsasayawan ng slow dance sina Jenna at Cholo. Lasing na lasing si Cholo at this time. (Tumutugtog din ang Bogoshipda.)
Then parang naiilang na si Jenna at ayaw na niyang makasama si Cholo. Kaya biglang umalis si Jenna at pinabayaang bumagsak sa dance floor si Cholo. Lumabas na si Jenna sa disco house.
Tumakbo si Jenna palabas hanggang sa mapunta siya sa kalsada. Nagtangka siyang tumawid, pero may paparating palang isang matulin na kotse. Muntik nang masagasaan si Jenna, buti na lang at nakarating siya kaagad sa kabilang side, gumugulong.
Then unti-unti nang bumabalik ang alaala ni Jenna! Naalala ni Jenna ang pagkakabangga sa kanya noong nakaraan, nung binangga siya ni Eunice ng kotse!
Then back to reality, nakita ni Jenna na tumigil ang kotseng nailagan niya. Si Eunice pala ang nagmamaneho!
Bumaba si Eunice at nilapitan si Jenna. Tinitigan ni Eunice si Jenna nang sandali, then umalis na siya uli, sumakay ng kotse, at tuluyang umalis.
Napatulala si Jodi (yup, Jodi!) nang sandali, then tumayo siya at biglang tumakbo. Habang tumatakbo, naaalala na niya ang iba pang bahagi ng kanyang nakaraan.
Naalala na niya ang pagbabalik ni Cholo at ang pagkaway ni Cholo sa kanya just before banggain siya ni Eunice ng kotse. Naalala na rin niya ang kabataan nila ni Cholo, pati ang pagsusuot nila ng kanilang kuwintas sa tabi ng beach, at ang kanilang moments sa airport nung paalis na si Cholo.
Tumakbo nang tumakbo si Jodi, iyak ng iyak. Binalikan niya ang damuhan sa tabi ng bay kung saan sila tumambay ni Charlie noon. Hinanap ni Jodi ang kuwintas na tinapon niya noon.
Eventually, nakita ni Jodi ang kuwintas sa damuhan. Naluha si Jodi. Hinawakan niya ang kuwintas nang mahigpit.
Then tumakbo na naman si Jodi pabalik sa siyudad. Umiiyak at humahagulgol na siya nang malakas…
Ishe-share ko lang sa inyo ito. Forward sa akin sa e-mail.
By the way, she’s Australia’s Miss Universe 2004, Jennifer Hawkins.
Here’s Jennifer Hawkins back in the old days when she was a legal secretary:
Here’s Jennifer as Miss Universe now:
Enjoy!
From the last episode, pilit binigay ni Jenna ang mga scarf kay Eunice sa loob ng kotse…
Umandar na at umalis ang kotse na sakay nina Cholo’t Eunice. Naiwan si Jenna doon, hawak hawak ang kahon na may singsing na binili niya para kay Charlie.
Meanwhile, doon sa bahay, tinitingnan ng tatay ni Charlie ang mga paintings ng anak niya, habang kau-kausap naman niya sa cellphone ang isang tao na naniningil sa kanyang utang. Nape-pressure na ang tatay na magbayad ng utang. Pagkatapos ng conversation, tinitigan niya uli ang mga paintings ni Charlie, at may naisip siyang paraan…
Maya maya, may isang lalaki na tumitingin ng paintings ni Charlie. Humanga ang lalaking ito sa paintings ni Charlie, dahil pambihira daw ito. Kaya pinamigay ng tatay ni Charlie ang mga paintings na may kapalit na halaga. Tinanong niya sa lalaki kung magkano ang ibabayad niya. Sabi ng lalaki na babayaran daw niya ng ten million wan (ang “peso” sa Korea). Pero humirit ang tatay at nakiusap sa lalaki na doblehin daw niya ang bayad. Kaya binayaran siya ng lalaki ng twenty million wan.
Later on, dumating na sa bahay si Charlie. Napansin niya na maraming handang pagkain ang tatay. Di alam ni Charlie kung saan kinuha ng tatay ang pinambili ng pagkain. Huwag na raw magtanong, sabi ng tatay. Kumain na lang daw sila.
Dumating naman si Jenna at nakita sina Charlie at ang kanyang tatay na nagkakainan. Masarap daw ang pagkain, sabi ni Jenna. Birthday daw kasi ng lola ni Charlie, sabi ng tatay. Then naki-join na rin si Jenna sa pagkain. Maya maya, napansin ng tatay ang singsing na binili ni Jenna para kay Charlie. Di pala alam ng tatay na engaged na pala sina Jenna at Charlie. Pero nag-galit-galitan ang tatay at sinabing ayaw niyang ma-engage silang dalawa. Ang gusto niyang mangyari ay … ang makasal na sila!! Nagtawanan silang lahat at nagpatuloy ang pagkain. Sabi ng tatay na, pag nagpakasal na silang dalawa nina Jenna at Charlie, huwag daw siyang kakalimutan at alagaan daw nila siya. Nagkatuwaan uli sila at tuloy na naman ang kainan.