Lumabas na sina Jenna at Cholo ng kuwarto. Pareho silang malungkot at parang ayaw nilang magsabay sa paglalakad. Samantalang pinapanood lang sila ni Eunice, na nanlalaki pa rin ang mga mata sa galit at disappointment as usual.
Sa sala, nagpaalam na si Jenna kina Maita. Umiyak si Maita na parang ayaw niya siyang paalisin. (Ows???)
Sa labas ng bahay, napapatingin na lang si Jenna kay Cholo. Malungkot pa rin silang dalawa. Then naglakad na si Jenna palabas ng gate. Sa labas ng gate, hinanap ni Jenna si Charlie, pero hindi niya siya nakita doon. Naglakad pa si Jenna ng konti, at nakita niya si Charlie na nakaupo sa nearby steps, matyagang hinihintay si Jenna. Niyakap ni Jenna si Charlie at napaiyak. Samantalang si Cholo, nakatingin lang sa labas, malungkot.
Maya maya, kumain ng noodles sina Charlie at Jenna sa kalsada. Parang sarap na sarap si Jenna sa kinakain niya. Nanibago si Charlie, “Jenna, ano ka ba? Ngayon ka lang ba nakakain ng noodles?”. Pero nag-change topic si Jenna, “Oy! Mahal mo ba ako?” Natawa lang si Charlie. Nagtanong uli si Jenna, “Tinatanong kita!”. Nakipag-gimme five lang si Charlie. Then sinabi ni Jenna na hindi raw siya nagkamali sa pagpili ng isang tulad ni Charlie. After that, binigyan na ni Charlie ng singsing si Jenna, at sabay nag-propose: “Will you marry me?”. Nakuha pang biruin ni Jenna si Charlie, “Hindi pa ako handa.”. Pero after that, sinabi kaagad ni Jenna, “Ikaw pala, di ka puwedeng biruin. Siyempre, oo!”.
Nagtakbuhan na sina Charlie at Jenna malapit sa bay. Sumigaw si Jenna, “Charlie!!”. Sumigaw din si Charlie, “Ano??!!”. Sumigaw si Jenna uli, “Mahal kita!!!”. Natuwa si Charlie, kaya pinaulit niya uli: “Ano??!!”. Sumigaw uli si Jenna, “Mahal kita!! Magmula ngayon, kakalimutan ko na lahat ng nakaraan ko!!”
Maya maya, si Charlie naman ang sumigaw, “Jenna!” Sumigaw din si Jenna, “Ano??!!”. Sumagot si Charlie, “Mahal kita!!”. Natuwa rin si Jenna at nagtanong, “Ano??!!”. Sumagot naman si Charlie, “Mahal kita!!”. Then nagkatawanan silang dalawa at huminto sa pagtakbo.
Then tinanggal na ni Jenna ang kuwintas niya. Sabay silang nagbilang ni Charlie, “One, two, three!!”. Binato ni Jenna ang kuwintas niya, at napadpad ito sa damuhan.