Hello guys and gals! Meet Cholo of Stairway To Heaven, Kwon Sang Woo. Have fun!
See more of him in my gallery.
Kwon Sang Woo is one of the most popular actors and matinee idols in Korea, in the ranks of great actors like Bae Yong Joon (Joseph of Endless Love 2: Winter Sonata). He is a close friend of Song Seung Hun (Johnny of Endless Love 1: Autumn in My Heart), who has recently joined the army. He has made Korean movies like Love So Divine (2004), Once Upon A Time In High School (2004) and My Tutor Friend (2003). He also has his latest drama series called Sad Sonata (late 2004). And as we all know, he starred with Choi Ji Woo in Stairway To Heaven (2003).
He was born on August 5, 1976. He had his education in Chung Nam High and in the Art Education Department of Han Nam University. Before he even had his acting career, he joined first the army in compliance with Korea’s compulsory rule that males must join the army service for two years.
Sa loob ng bahay malapit sa beach, nag-usap si Jenna at ang kanyang tatay. Tinanong ng tatay kung Jenna nga ba ang pangalan niya. Opo daw, sabi ni Jenna. Tinanong din ng tatay ang kanyang edad. Twenty-four years old daw siya. Then sabi ng tatay na kasingtanda raw ni Jenna si Jodi. Tinanong naman ng tatay kay Jenna kung nasaan na ang mga magulang niya. Namatay na raw, sabi ni Jenna. Nag-sorry ang tatay dahil sa kanyang tanong. Maya maya, nakiusap ang tatay kay Jenna kung puwede daw ba niyang hawakan ang kanyang mga kamay. At nahawakan nga ng tatay ang mga kamay ni Jenna. Napaiyak na ang tatay.
Maya maya, gusto na ring hawakan ng tatay ang mukha ni Jenna. Pumayag si Jenna, tapos napaluha na rin siya. Then habang hinahaplos ng tatay ang mga kamay niya sa mukha ni Jenna, patuloy din ang pag-iyak ng tatay. Maya maya, humagulgol na ang tatay niya. “Jodi!”
Nung mga oras na iyon, si Cholo ay nasa terrace lang, tinitingnan ang beach.
Pagdating ng gabi, sumakay na sina Cholo at Jenna sa kotse. Habang nagmamaneho si Cholo, tinitingnan lang siya ni Jenna. Malungkot pareho ang mga mata nina Cholo at Jenna.
Meanwhile, nasa rooftop naman si Charlie malapit sa billboard. Nakita niyang pumarada ang kotseng sakay nina Cholo at Jenna. Bumaba na silang dalawa sa kotse, nag-uusap silang dalawa. Ihahatid na ni Cholo si Jenna sa kanila. Lahat ito ay nakita ni Charlie.
Bumati na ng “Good night” si Cholo kay Jodi. Kitang kita ito ni Charlie mula sa itaas.