Meanwhile sa office ni Cholo, patuloy ang pagske-sketch ni Jenna. Maya maya, gusto nang umalis kaagad ni Cholo, at gusto niyang isama si Jenna. Ayaw pang sumama ni Jenna dahil matatagalan pa siya sa pagdo-drawing. Pero sinabi ni Cholo na alam niyang hindi ito matatapos ni Jenna dahil imposible daw iyon, sinusubukan lang daw niya si Jenna. Nagpumilit tapusin ni Jenna ang drawing, pero biglang kinuha ni Cholo ang mga drawing niya at pinagpupunit ang mga ito. Nagulat si Jenna sa nangyari. Pero later on sumama na rin si Jenna kay Cholo. Umalis sila sa office at nagtungo sa mall.
Meanwhile, sumugod si Charlie papuntang office. Nadaanan niya ang mall. Di niya napansin na sumakay na ng elevator sina Cholo at Jenna sa mall. Pagdating sa office, sinugod ni Charlie ang isang female staff at nagtanong kung nasaan na sina Cholo. Di raw alam ng staff kung saan sila nagtungo, kaya nagpumilit si Charlie na pumasok sa office, at na-discover na wala na sila doon. Dali-daling lumabas si Charlie para habulin sina Cholo nang bigla niyang nakasalubong si Eunice. Nasabihan pa siya ni Eunice na “Stupido!”. Nagpunta rin si Eunice sa office, pero nagulat siya at wala rin si Cholo. Kaya lumabas din siya ng office at sumunod kay Charlie sa paghahabol.
Nagtungo sina Cholo at Jenna sa lugar kung saan nabangga ng kotse dati si Jenna (bilang si Jodi). Pinaalam ni Cholo ang pangyayaring iyon kay Jenna. Nung nawala daw kay Cholo si Jodi, pinagdarasal daw niya na sana magkita pa sila muli balang araw. At ngayon daw ay mukhang sinagot nga ang kanyang dasal. After that, sumakay na sila ng kotse at pinaadar na ito.
Pero eksato nung paalis pa lang ang kotse nila, biglang nagsidatingan sina Charlie at Eunice, nagtatatakbo sila para habulin ang kotse. Pero huli na ang lahat, hindi nila kayang abutan ang kotse. Kaya ang nangyari ay sinisi na lang ni Eunice si Charlie sa lahat ng pangyayari. Binalaan ni Eunice si Charlie na pag bumalik na ang alaala ni Jodi ay baka hindi na raw siya mahalin muli, kaya dapat ay umalis na raw sila ni Jenna…
(Gusto rin kasing solohin ni Eunice si Cholo, dahil pag umalis na sina Charlie at Jenna, maiiwan na si Cholo mag-isa.)
Meanwhile, sa loob ng kotse, balak sanang tumawag ni Jenna sa cellphone, pero biglang hinipo ni Cholo ang cellphone at biglang nawala ito “magically”. (Nagperform si Cholo ng magic trick.) Napaisip tuloy si Jenna. then binuksan ni Cholo ang stereo at pinatugtog ang tape recording nilang dalawa nung mga bata pa sila. Maririnig nyo boses ng ang batang Cholo na nagsasabing “Mahal kita Jodi” pero sadyang lang daw siyang mahiyain at totorpe-torpe. Naluluha si Cholo habang pine-play niya ang tape.
Nagpunta silang dalawa sa beach. Kinuwento ni Cholo ang nakaraan nilang dalawa ni Jodi. Kinuwento ni Cholo na nung bata pa raw silang dalawa, sinabi nilang dalawa na mahal nila ang isa’t isa.
Then biglang nagtanong si Cholo kay Jenna: “Alam mo ba ang tunay na pag-ibig? Gusto mo bang malaman?” Then pinakita niya kay Jenna ang kanyang boomerang. Binato ito ni Cholo, at pinanood nilang bumalik ang boomerang. Sinalo ni Cholo ang boomerang, at sinabi niya na ganun din daw ang tunay na pag-ibig.
After that, pinahawak ni Cholo ang boomerang kay Jenna at pinabato niya ito. Maya maya, nagkakatuwaan na silang dalawa at nagbabatuhan ng boomerang. At this point, tumutugtog na ang sad jazzy tune na Keugeonmaneun ni Park Moon Hwan.
Maya maya, nagkatitigan na sina Cholo at Jenna…
Pumunta sina Jenna at Cholo sa bahay malapit sa beach. Ito ang dating bahay ni Jodi.
Sinabi ni Jenna kay Cholo: “Alam ko ang bahay na to. Napadaan na kami ni Charlie dito. Napansin namin, ang suwerte ng nakatira dito.”
Pumasok silang dalawa sa bahay. Tinitingnan ni Jenna ang mga manika. Sabi ni Charlie na matagal na raw itong hindi nalilinisan magmula nung nawala si Jodi. Naiiyak na naman si Cholo.
Then nakita ni Jenna ang mga pictures nilang dalawa sa beach nung bata pa sila. Nakita rin niya sa picture ang sarili niyang tatay at ang nanay ni Cholo, pero mukhang wala siyang naaalala sa tatay niya.
Then bumaba si Jenna mula sa second floor ng bahay, at narinig niyang nagpa-piano si Cholo. Natahimik siya sa tugtog at naging malumanay ang kanyang mukha…
Tinanong ni Cholo si Jenna:
Cholo: Marunong kang mag-piano?
Jenna: Hindi.
Cholo: Tuturuan kita, gusto mo?
Pumunta si Jenna sa piano at umupo na sa tabi ni Cholo. Dahan-dahang hinawakan ni Cholo ang mga kamay ni Jenna, at iginabay niya ang mga ito at ipinatong na sa ibabaw ng mga teklado (”key”) ng piano. Inilagay ni Cholo ang sarili niyang mga kamay sa ilalim ng mga kamay ni Jenna, kaya ang nakapindot na ngayon sa mga teklado ay ang mga kamay ni Cholo, at nakapatong naman sa mga kamay niya ang mga kamay ni Jenna. Nag-umpisa nang mag-piano nang dahan-dahan si Cholo, habang ang mga kamay ni Jenna ay nakapatong pa rin sa mga kamay niya. Then tinitigan ni Cholo si Jenna habang nagpa-piano siya. Maamo ang mukha ni Jenna. Malungkot naman ang mga mata ni Cholo.
Maya maya pa, tumigil na siyang magpiano. Nagkaroon ng konting katahimikan.
Then nagsalita si Cholo: “Puwede bang…mayakap kita?”
Meanwhile, nag-iinuman na sina Charlie at ang friend ni Jenna. Kinuwentuhan niya si Charlie dahil napansin niyang malungkot siya. Nangangarap ang friend ni Jenna na makatagpo ng isang minamahal…
Sa bahay naman dun sa beach, niyakap nga ni Cholo si Jenna. At this point, tumutugtog na ang sad song na Bogoshipda. Lumuluha na si Cholo habang nakayakap. Napapapikit naman si Jenna. Nung magtagal pa, naluluha na rin si Jenna. Pero mas bumuhos lalo ang mga luha ni Cholo. Maya maya pa, nagpumilit nang humiwalay si Jenna sa pagkakayakap at umalis. Tuluyan nang umiyak si Cholo.
Paglabas ni Jenna sa bahay, nakita niya ang tatay niya malapit sa pintuan. Nakilala siya ng tatay niya.
“Jodi??”
hahahaha!
Supra Footwear which started with the production of functional skateboard shoes at first, in recent years emerged as a new force with luxury materials and exaggerated form, led to many stars unconditionally in their behalf. For Mens Supra Shoes, welcome to our online store.
Posted by huu at July 14, 2010, 3:20 pmWhen I clean my UGG Boots, I always be so careful and gentle. I perfer use my hands to other instruments. I suggest to use Diaopai soap than other detergents because I think Diaopai soap can wash my UGG Classic Boots so clean and white. First, you should make Diaopai soap full foaming and then use your hands to make your boots be full of bubble. All these are done and then you can use your hands to constant rubbing on the surface, which is in order to make your boots new. From UGG Boots Outlet.
Posted by ugg boots at July 14, 2010, 3:53 pm2. In the pop-culture, Samantha Ronson is a famous DJ and song creator. But in the shoe industry, few people know that she is their friend and supporter since Supra Shoes founded. Anyway, Supra invited her for its 2009 fall series specially designed a pair of Special Edition Supra Indy, the most striking features of this pair of Supra Footwear is the vamp’s made of old milled black leather and adorned with gold leather. If you are looking for Mens Supra Shoes on sale, welcome to our store.
Posted by supra shoes at July 14, 2010, 4:06 pmConvenience for you to buy Cheap NFL Jerseys .
Great, but may be you never knew this site about NFL Jerseys .
They provide so many kinds of Cheap NFL Jersey.
Besides they got NBA Jerseys for sale too.
ayyyyyyyyyyyy. grabeeeeeeeeeeeh. ang pooogi poooooogi mo cholo. hawwwwwwwwwwig tayo……
Posted by brando at February 7, 2005, 8:02 pm