Meanwhile sa office ni Cholo, patuloy ang pagske-sketch ni Jenna. Maya maya, gusto nang umalis kaagad ni Cholo, at gusto niyang isama si Jenna. Ayaw pang sumama ni Jenna dahil matatagalan pa siya sa pagdo-drawing. Pero sinabi ni Cholo na alam niyang hindi ito matatapos ni Jenna dahil imposible daw iyon, sinusubukan lang daw niya si Jenna. Nagpumilit tapusin ni Jenna ang drawing, pero biglang kinuha ni Cholo ang mga drawing niya at pinagpupunit ang mga ito. Nagulat si Jenna sa nangyari. Pero later on sumama na rin si Jenna kay Cholo. Umalis sila sa office at nagtungo sa mall.
Meanwhile, sumugod si Charlie papuntang office. Nadaanan niya ang mall. Di niya napansin na sumakay na ng elevator sina Cholo at Jenna sa mall. Pagdating sa office, sinugod ni Charlie ang isang female staff at nagtanong kung nasaan na sina Cholo. Di raw alam ng staff kung saan sila nagtungo, kaya nagpumilit si Charlie na pumasok sa office, at na-discover na wala na sila doon. Dali-daling lumabas si Charlie para habulin sina Cholo nang bigla niyang nakasalubong si Eunice. Nasabihan pa siya ni Eunice na “Stupido!”. Nagpunta rin si Eunice sa office, pero nagulat siya at wala rin si Cholo. Kaya lumabas din siya ng office at sumunod kay Charlie sa paghahabol.
Nagtungo sina Cholo at Jenna sa lugar kung saan nabangga ng kotse dati si Jenna (bilang si Jodi). Pinaalam ni Cholo ang pangyayaring iyon kay Jenna. Nung nawala daw kay Cholo si Jodi, pinagdarasal daw niya na sana magkita pa sila muli balang araw. At ngayon daw ay mukhang sinagot nga ang kanyang dasal. After that, sumakay na sila ng kotse at pinaadar na ito.