Sa wakas, I’ve successfully prepared the guitar chords of the Tagalog opening theme song!
Actually, medyo bad trip nga ako noon eh, kasi nasa hiraman pa ang guitar ko, di pa sinosoli sa akin. So napilitan tuloy akong gamitin yung electronic piano keyboard ko para kapain yung chords. Sa bagay, OK lang din ang gamitin ang piano, pero mas sanay ako sa guitar kasi eh. Kinailangan ko pa tuloy i-remap yung mga piano chords back to their guitar forms.
Heto na ang chords ng Tagalog opening song ng Stairway To Heaven, ang Pag-Ibig Ko’y Pansinin ni Carmela “Faith” Cuneta. Medyo maraming complicated “broken chords” dito, kasi tinugtog talaga ang song na ito using the piano, not guitar. Pero bibigyan ko pa rin kayo ng chord fingering guide para sa mga mahihirap na chords.
Here’s the notation for the chord diagrams:

I recommend that you use this version of the E major chord:

This song uses many “broken chords”, or more properly called, slash chords or pedal chords:








When you play the guitar, I recommend that you use plucking rather than strumming. Although maganda rin gamitin ang strumming sa kalagitnaan ng song (especially the parts emphasized with drum beats), be careful to keep the dead strings dead, even when strumming!
Heto na ang song mismo:
===
Pag-Ibig Ko’y Pansinin
by Carmela “Faith” Cuneta
E A
E A (hold)
(Stanza 1)
E C#m7
Narito ang pag-ibig ko,
AM7 G#m
Ibibigay nang buong-buo.
F#m G#sus G#
Nangangarap nang mag-isa,
AM7 B
Umaasa na makapiling ka.
(Stanza 2)
E C#m7
Narito ang buhay ko,
AM7 G#m
Nakalaan para sa iyo.
F#m G#sus G#
Naghihintay ng pag-asa
AM7 B
Na sana ay iyong madama.
(Chorus)
E G#m/D# C#m
Langit ka, lupa ako.
A G#m F#m B
Hanggang tanaw na lang ba tayo….oh?
E G#m/D# C#m
Mahal kita, mahal mo ba ako?
A F#/A# B G#/C
Hanggang pangarap na lang ba ito…oh?
C#m G#/C E/B AM7
Kaya kong gawin ngunit di kayang sabihin…
F#m B E
Ang pag-ibig ko sana’y mapansin.
(Very Short Interlude)
A E B
(Stanza 3)
E C#m7
Narito ang awit ko,
AM7 G#m
Ang himig nitong puso.
F#m G#sus G#
Naglalarawan ng pagsinta,
AM7 B
Nagbibigay ng sigla’t saya.
(Repeat Chorus)
(Bridge)
C Bm
Ang pagtingin mo’t pagmamahal
Am7 B C
Damdaming iingatan nang kay tagal.
(Chorus with higher chords)
F (pause) Dm
Langit ka, at lupa ako.
Bb Am Gm C
Hanggang tanaw na lang ba tayo….oh?
F Am/E Dm
Mahal kita, mahal mo ba ako?
Bb G/B C A/C#
Hanggang pangarap na lang ba ito…oh?
Dm A/C# F/C BbM7
Kaya kong gawin ngunit di kayang sabihin…
Gm C F Bb F
Ang pag-ibig ko sana’y mapansin.
===
Sa office ni Cholo, kinumusta niya si Jenna. Nagulat si Jenna kung bakit nasa office si Cholo at kung sinusundan ba siya. Nagpakilala na si Cholo bilang president ng Safe Mall. Balak nang umatras ni Jenna sa kontrata, pero nagbantang magdemanda si Cholo. Hindi natakot si Jenna sa banta. Nasabi pa ni Jenna na “hindi mo ako mabibili ng pera mo!”. Kaya nag-propose na lang si Cholo na maging magkaibigan na lang silang dalawa.
Cholo: Ikaw ang babaeng dating minahal ko.
Jenna: Di kita kilala.
Cholo: Di bale, pagdating ng araw, makikilala mo rin ako.
Aawayin pa sana ni Jenna si Cholo nang biglang dumating ang alalay ni Cholo. Nag-seryoso na si Cholo at binigyan na si Jenna ng assignment sa trabaho. “Miss Kim, inaasahan ko ang tulong mo”, sabi niya. Wala nang nagawa si Jenna kundi sumunod.
Paglabas ng kuwarto nina Jenna at ang alalay ni Cholo, napatingin na lang si Jenna sa pinanggalingan.
Maya maya, habang naglalakad silang dalawa, sinabi ng alalay kay Jenna na huwag na siyang mag-alala, sadyang mapaglaro lang si Cholo sa mga babae, at masanay na raw siya sa kanya.
Jenna: Bakit ba naging presidente ang hambog na yon!
Ikinuwento ng alalay ang tungkol kay Cholo at ang pamilya niya, at sila raw ang nagmamay-ari ng Safe Mall. Dahil din daw dito, nagagawa ni Cholo ang lahat ng gusto niya. At fiancee daw niya si Eunice.
Jenna: Meron siyang fiancee??
Here are more pictures of Kim Tae Hee, the actress who played Eunice in the Korean drama show Stairway To Heaven.