Ang saya saya!! Exciting na ang episode na ito!
Habang pinapakita ang nakaraang episode, tumutugtog sa background ang acoustic song na Cheongukui Ki-eok (”Heavenly Memory”) ni Jang Jung Woo.
Then sa kalye nung gabing yon, malungkot na tinawagan ni Charlie si Jenna through cellphone. Sumagot si Jenna, pero nagpanggap siyang isang answering machine na nagsabing “Not Yet Available” ang number. Tapos, tumawa si Jenna at sabay niyaya nang umuwi si Charlie dahil may hahanda siyang hapunan nilang dalawa, masarap daw ang ulam nila. Masayang masaya si Jenna nung mga oras na yon. Pero in contrast, napapaiyak na lang si Charlie, dahil naiisip niya na malapit nang mawala si Jenna sa kanya because of Cholo. “Jodi, Jodi…”, sabi niya. Pinatay na ni Charlie ang cellphone niya.
Sinubukang tawagan ni Jenna si Charlie, pero “Out of the coverage area” ang reply sa kanya…
Maya maya, natagpuan ni Jenna si Charlie na lasing na lasing, natutulog na sa bangketa. Tinanong ni Jenna si Charlie kung saan siya nagpunta, then sinabi niya na hintay siya ng hintay sa kanya sa hapunan, pero di raw siya dumating.
Sinabi ni Charlie na nahihilo pa siya. “Pasensya ka na Jenna, pero napunta ka sa isang tulad ko”, sabi niya. Nagtaka si Jenna sa sinabi ni Charlie, pero di na rin niya pinansin yon.
Kinausap ni Charlie si Jenna:
Charlie: Masaya ka ba?
Jenna: Oo naman!
Charlie: Kung talagang masaya ka, eh di isigaw mo na masaya ka!
Sumigaw nga si Jenna, tapos naglambingan na sila ni Charlie. Di nila alam na pinapanood na pala sila ni Cholo mula sa isang hagdan malapit sa kanila.
Sabi ni Jenna kay Charlie, “Baka may makarinig sa ating dalawa, pagkamalan pa tayong baliw!”