Umpisa pa lang ng show nila bilang grown-ups, drama na kaagad. Nakakaiyak yung mga scenes. Adults na sina Jodi at Tristan dito.

This episode, Tristan got very sad and desperate, because Jodi is going to leave for America in three days and will continue to study abroad, thanks to Cholo (who’s already in the U.S.) who managed her papers beforehand. Yup, si Tristan ay iiwan na ni Jodi — si Jodi na siyang kaisa-isang taong nag-alaga at nagpasaya kay Tristan nung mga bata pa sila at inaapi-api pa sila ng kanilang ina. Makikita nyo talaga ang tindi ng lungkot na nararamdaman ni Tristan; makikita nyo ang lungkot sa mga kilos niya nung mga oras na kumakain sila ng noodles ni Jodi; nung mga oras na inii-sketch ni Tristan si Jodi sa kanyang canvas — pilit tinatakpan ni Tristan ang mukha niya habang dino-drawing niya si Jodi, ayaw niya kasing ipahalata na umiiyak na pala siya — pero eventually nadiskubre ito ni Jodi at napaiyak na rin siya; dama-dama ang lungkot niya nung hindi siya sinipot ni Jodi para manood ng sine, gusto kasi ni Tristan na i-spend niya ang mga natitira pang araw kay Jodi bago siya umalis, pero mukhang hindi sang-ayon si Jodi sa ganitong idea.

Umiiyak at naglalasing na si Tristan habang naghihintay siya sa wala. Unfortunately, nakita ito ng kapatid niyang si Eunice at ti-nake advantage niya ang situation para kumbinsihin na huwag nang pabayaang lumayo si Jodi at pigilan siyang makipagkita kay Cholo in the process. (Supposedly, uuwi si Cholo para sunduin niya si Jodi papuntang Amerika.)
Nagpunta si Tristan sa bahay nila nina Jodi. Doon na sila nagkausap, hanggang sa nakadama na ng desperation si Tristan at pilit niyakap at halik-halikan si Jodi, pero unfortunately dumating din si Eunice sa eksena at ginamit niya ang situation nila ni Tristan para pagbintangan sila ni Jodi na gumagawa ng kababuyan, at dahil daw dito ay nag-threaten si Eunice na magsumbong kay Cholo. Nauwi ito sa physical na awayan nina Jodi at Eunice, natanggal pa nga ang kuwintas ni Jodi in the process pero naisuot naman niya uli pabalik, hanggang sa nauwi sa habulan itong sina Jodi at Eunice. Pinipigilan ni Tristan si Eunice para huwag nang mahabol si Jodi, pero pumapalag si Eunice. Then nagkahabulan na sina Jodi at Eunice sa sasakyan. Si Jodi ay naka-taxi samantalang si Eunice ay naka-kotse. Pinapunta ni Jodi ang taxi sa airport, at dito niya nakita si Cholo sa malayo. Atat nang makipagkita si Jodi, kaya bumaba siya ng taxi at tumawid ng kalsada para salubungin si Cholo. Unfortunately, pinabilis ni Eunice ang takbo ng kanyang kotse para sagasaan si Jodi. Nabangga nga niya si Jodi, pero nabangga rin ang kotse ni Eunice sa isa pang kotse….
Nakakaawa talaga si Tristan dito.
correct! better yet, sana magpunta silang lahat dito sa pinas!
grabe! ang ganda ng stairway to heaven di ako pwdeng ma2log ng di sya npapanood. Every scene di mo mkkalimutan…
Posted by lea at February 8, 2005, 10:13 amSir,
thanks po cause naghahanap talaga me ng ost ng stairway eh…..
pwede po bang magrequest, pwede po ba me hingi ng copy ng bogoshipda, favorite ko po kasi yun eh…….. nakakatouch…….
sana po mapagbigyan nyo po ako gift nyo na lang po sa kin para sa bday ko sa april 10.
thank you po
joann
Ganda ng istorya at ng mga artist na gumaganap.Ito na ang FAVORITE drama ko sa buong buhay ko.Sana makita ko si JODI/JENNA,CHOLO,TRISTAN/CHARLIE,AT EUNICE sa personal!!!
Posted by Marlowe B. Sotto at February 1, 2005, 5:31 pm